sa bayang matagal nang nakapiit bago pa man ang eksistensya ng lumaganap na sakit,
'di na nakapagtataka ang pagbusal at pagpiring at paminsan-minsan ay pagkitil sa buhay ng mga hindi na napigil ang pagkalam ng sikmurang hindi na kaya ang pait.
at ang walang kuwentang mga tugon ng mga nakaupo sa trono habang sila'y parang nasa pugonkailan pa ba makakaahon kung natutuyot na ang mga dahon?
patuloy lamang ang paghampas ng mga alon ngunit hindi pa rin sila nakararating sa katagang "di naglaon"
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...