sa lansangan ng mga maralita
biyaya na ang isang kawaling mantika
at mga lamang-dagat na naproseso
ngunit kung kailan dapat itago
ang kabulukan ng sistemang maraming panatiko
ng mga magagaling naman magkunwaring walang baho
ngayon pa talaga naisipang magkalat
at ipaalam na ang bansa ay salat
hindi sa yaman, kung hindi sa gobyernong walang buwayang dilat
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poesiemga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...