Para kang isang sulyap sa buradong nakaraan. Nililigoy mo ang bawat susog ng sandali. Sinusuong ang bigat ng bawat paghinga, ang mga pasinghap-singhap na usisa, at ang unti-unting pagkasadlak sa dusa.
Walang makaaalam. Lalamunin na lamang ng anino ang sinag ng araw sa pagsapit ng takip-silim, at idaraos ang pangwakas na yugto ng rituwal ng buhay.
Mauubos na lamang ang salita, at maiiwan na lamang kaming nakapatda sa iyong mga titik, at ang mga lihim mo'y mananatiling nakakubli sa aming hinagap.
BINABASA MO ANG
Tula(y)
شِعرmga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...