Buhat. Bigat. Sapat.
Bigas. Butas.
Tapat.
Taas. Patas(?).
Ulol, walang ganoon.hindi por que pareho tayo ng buhat ay pareho na rin ang pasan nating bigat.
hindi tayo pareho ng inaapakang lupa kahit ipilit mo pa,
walang pagkakapareho ang estado nating dalawa
kahit sa kamatayan na nga lang at lahat, malaki pa rin ang pagkakaiba.pasalamat na lang ako at pareho lang tayong ibabalik sa abo, o 'di kaya ay sa lupa
at parehong mga bulate ay sa atin magpapakasasaPota, patas rin pala.
tayo-- minsan.
sa kamatayan.
tuwing panahon ng ating Kaagnasan.
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...