hindi ako sigurado.
walang kasiguraduhan ang mga paano.
hindi ko alam kung sino
o kung bakit kailangang mangyari ang bagay na tulad nito.
Walang makababatid, hangga't walang sumisisid upang sagipin ang isang tulad niyang nalunod na sa pinakailalim.Saka ko kayo tatanungin kung bakit
ang puso at konsensiya ay wala namang mga mata
Pero bakit nagbubulag-bulagan ka? Bakit nakapikit ka?
Dumilat ka.
BINABASA MO ANG
Tula(y)
Poetrymga tulang-tuluyan. tulay po kayo. Ang lahat ng akda at retrato sa kalipunang ito ay pawang orihinal at pagmamay-ari ng may akda. Hindi maaaring kopyahin at ilathala sa anomang paraan nang walang pahintulot ng may akda at retratista. (c)amoysingetch...