Chapter Six

5.2K 133 2
                                    

Chapter Six

Siguro nga, gusto ko na si Ramgiorel pero tulad ng dati hindi pwede. Dahil unang una, hindi sya magkakagusto sa akin. Pangalawa, may nililigawan na sya. Pangatlo, nanlalandi lang sya. Kaya dapat hindi ako ma-fall. Tyaka isa pa, kaibigan sya ni Kuya Erwan, kaya stayput lang ako kung nasaan ako ngayon.

Perooooo. Hindi ko pa din maisawang masaktan. Palagi nalang iyong lalaking gusto ko, hindi pwede sa akin? Kasi ano? Hindi naman ako pansinin.

Lumumbaba ako at paulit ulit binasa iyong sentence dito sa pamplet na nasa lamesa. Ramdam ko din ang pagtitig ni Jay Ann sa akin, si Regine naman ay pawang nakikiramdam lang.

"Vexy..." bakas ang pagkaalangan sa boses ni Jay Ann.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Oh?"

"May problema ba?" Tanong nya.

Umiling lang ako at binalik ang tingin ko sa pamplet. Pumalakpak si Regine kaya agad syang nasita noong librarian.

"Sorry po." She said. Bumaling sya sa akin pagkatapos. "Tungkol kay Ramgiorel to no? Crush mo sya?"

"Sinong Ramgiorel?" Takang tanong ni Jay Ann. "Ay wait, iyong si Mr. Banat?"

Tumango si Regine. May paghampas pa sa braso ko.

"Huwag na dun be. Malandi iyon, tyaka may nililigawan na sya."

"Sino?" Tanong ni Jay Ann.

Kita ko ang pagismid ni Regine. "Iyong third year tourism. Si Camille Angelie."

"Oh? Hindi naman iyon maganda." Kumento ni Jay Ann. "Maputi lang tyaka mayaman."

"Kung sabagay. Pero wala eh, sya ang nililigawan ni Ramgiorel. Kaya ikaw, Vexy. Huwag mo ng i-crush iyon."

"Hindi ko naman sya crush." Nakasimangot kong sabi.

Tinaasan ako ng kilay ni Regine. "Sabihin mo iyan sa hindi ka gaanong kakilala ha." She even tapped my head.

"Aish.." inis kong sabi tyaka binalingan uli ang pamplet.

"Oh, speaking of... there's Camille." Rinig ko pang sabi ni Jay Ann.

I stopped myself but I can't. Sumulyap pa din ako sa may reciever's desk. Wearing a tourism uniform with a blazer and a cap. Plus her five inches heels na lalong nagpadepina sa katangkadan nya. Camille Angelie Dela Cruz is smiling wide at the student assistant. Her blonde straight long hair is perfectly fit in her aura.

"Sige. Titigan mo lang, baka sakalung maglaho iyan." Bulong ni Regine na halata namang pinaririnig sa akin.

Sinipa ko ang paa nya sa ilalim ng table. Ngumiwi sya. My phone beep. Kukunin sana ni Regine iyon pero naunahan ko sya.

"Burahin mo na sabi iyong number ni Ramgiorel diba?" She spat.

"Hindi ko na naman tinetext."

"Ows? Talaga ba?" Si Jay Ann. I groaned.

In-unlock ko ang phone ko at tinipa ang password ko. Mahirap na, lately binabasa nalang basta ni Regine ang inbox ko. Ito talagang babaeng ito.

My thumb hang in the air as I read the name of the sender.

Ramgiorel:
Why are you avoiding me?

Napabuga ako ng hangin. Simula ng malalaman kong may nililigawan na si Ramgiorel, I distance myself towards him. Ayokong mainvolve sa taong magiging committed na sa isang tao someday. Lalo na't narerealize ko sa sarili kong crush ko nga sya. Tyaka, kaibigan sya ni Kuya Erwan no.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon