Chapter Thirty Nine

5.9K 135 8
                                    

Chapter Thirty Nine

Hindi na nasundan ang pag uusap namin ni Ramgiorel pagkatapos noon. Napag alaman kong umuwi na din ang mga Lausingco noong gabi din. A part of me was relief that because of that talk, pero may part din sa akin na nagsisisi na hindi ko sinabing mahal ko pa din si Ram. Kitang kita naman na mukhang maayos na sya. Naka-move on na, ganun.

Handa na din naman akong maging matandang dalaga if ever. Hindi ko na din kasi nakikita ang sarili kong magmamahal pa ng iba. Or baka sabi sabi ko lang iyon. Ewan. Malaking impact ang iniwan ni Ramgiorel sa akin. Two years kami, at two years na din noong naghiwalay kami. Our love story was light. No drama, no conflict. Kaya siguro ganito ang naging ending... hindi fairy tale dahil baka bumisita lang sya sa buhay ko at hindi talaga naka-planong magstay sa tabi ko.

Kakauwi lang namin from Batangas. Mag isa lang ako sa bahay, but not really. Nandito naman sina Manang at Ate Rowena. Si Mommy kasi ang incharge sa grocery store ngayon. I tied my hair in a bun and made my way to the kitchen.

Nagluto ako ng pancit canton, nakaramdam ako ng gutom. Pagkatapos ay napalingon ako sa storage room namin sa ilalim ng hagdan, kung saan tinatambak ang mga lumang gamit o iyong hindi na masyadong ginagamit.

Lumapit ako doon at binuksan. I turn on the light and my eyes immediately went to the first box I saw inside the room. Magabok pero wala akong pakialam. Agad kong hinila iyon at dinala sa kwarto ko.

Ramgiorel is right. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil si Papa ang first ever fan ko sa mga painting ko when I'm still eleven years old. Kaya simula ng mamatay sya, naisip ko na baka wala ng pumuri ng mga gawa ko dahil wala na sya.

Inilabas ko ang lahat ng nasa box. Maayos pa at hindi pa naman nagagabukan ang mga paint brush. Sinet up ko ang canvas at naupo sa harapan noon matapos kong magmix ng pintura.

***
Simple lang ang pininta ko. It was father and daughter dancing in the stars. Napangiti ako.

I did it Papa. Nakapagpinta po ako uli. Did you saw it? Maganda ba Papa?

I took a deep sighed. Hinayaan ko sa isang tabi itong painting bago ako nahiga sa kama. Medyo na ngalay ang kamay ko sa ginawa kong pagpinta dahil hindi na ako masyadong sanay. I closed my eyes before I heard my phone ringing.

Kuya Calling..

Pikit mata kong sinagot ang tawag.

"Yeah?"

[Where are you?]

"Bahay. May date tayo, Kuya?"

[Aren't you supposed to be here with us? May dinner date tayo diba?]

Nagmulat ako agad ng mata at sinilip ang orasan ko. Past six pm na pala, matagal tagal din akong nagpinta.

[Kanina ka pa namin hinihintay ni Leni dito. Paparating na din sina Pancho. Could you please move now? Alam kong nakahiga ka lang sa kama mo.]

"Si Mommy?"

[She couldn't come. Dumating mga kaibigan nya sa grocery kanina. May sarili silang lakad. Please lang pakibilisan ha.]

"Alright. Sorry."

[Okay. Text me when you're about to leave the house.]

"Opo. Liligo na ako."

Matapos ng tawag ay agad akong tumakbo sa banyo lara maligo na. Kung bakit ba naman kasi nalimutan mo ang dinner date na iyan! Vexy! Masyado ka bang occupied sa pagpipinta?

Basta ko nalang hinila ang maong skirt ko at longsleeve maroon top. I blow dried my hair before putting some lip and cheek tint. Sinuklay ko ng mabilis ang buhok ko na kahit anong bilis ng galaw ko. I know that I am already forty minutes late. Naririnig ko na sa isipan ko ang mga sermon ni Kuya sa akin. And I can't help it but rolled my eyes. Sinuot ko na ang white rubber ko.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon