Chapter Seventeen

4.1K 95 0
                                    

Chapter Seventeen

"Oh my god!?" Hindi ko mapigilang mapasigaw ng makita ko ang singsing sa daliri ni Ate Leni.

"Vexy. This is just a promise ring." Natatawang sabi ni Ate.

Parang pinagbagsakan ng kung ano ang balikat ko. Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa.

"Akala ko pa naman engaged na kayo."

"I still need to graduate. Kailangan ko pang buhayin ang Mama ko." Malumanay na sabi ni Ate Leni. "Tyaka birthday gift lang to ni Erwan."

Speaking of birthday gift. Halos malimutan ko na nga iyong binili kong bracelet para kay Ramgiorel pero February na't lahat, nakatago pa din iyon doon sa walk in closet ko. Siguro, ibibigay ko nalang sya as a graduation gift. Dahil next month, magmamartsa na sila.

Ramgiorel was running for Cumlaude. Expected na nga iyon kahit may back subject sya. Hindi naman na iyon papansinin kasi talagang magaling si Ramgiorel and I'm really proud of him.

Napangiti pa ako dahil nagdesisyon na din akong sagutin sya after ng graduation. What for? Hindi naman na kailanganging patagalin ang panliligaw nya. And I am taking this risk for myself.

"Hon," tawag ni Kuya na bumababa galing sa home office ni Papa.

"Hon, come here." Agad na lumapit si Kuya kay Ate Leni. "Maybe you and Vexy should talk to each other now."

Nagkatitigan kami ni Kuya pagkatapos ay sabay kaming umirap sa isa't isa.

"Para talagang mga bata." Kumento pa ni Ate.

"Okay. Sorry." Ani Kuya.

"Sorry din." Pairap kong sabi.

"Nagbabati na ba kayo nan?" Natawa si Ate Leni matapos nyang itanong iyon.

"Akyat na ako. Ingat kayo."

Mabilis akong humakbang pataas sa kwarto ko. Naupo ako sa canvas at nagsimula ng magpinta.

Nalalapit na kasi uli ang Fine Arts Contest. At sasali ako uli.

Malapit na din pala ang valentine's day. May ibibigay na ako kay Ramgiorel. Iyong painting noong Pathway Through Your Heart. Iyong una ko kasing nabigay sa kanya ay iyong sketch lang. This time, painting na.

Kapag bumibisita sya dito, palaging may dalang bulaklak iyon tyaka rocky road ice cream. May pizza box pa para kina Manang Luz.

"Vexy, may bisita ka." Katok ni Ate Rowena sa kwarto ko.

Mabilis akong tumayo at hindi inalinatana kung may pintura ang kamay ko na pinahid ko sa pawis ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at nakitang wala na doon si Ate Rowena.

Atubili akong bumaba. Hindi nagtext si Ramgiorel na pupunta sya dito ngayon.

Kaso ang excitement ko na iyon ay napalitan ng pagkasimangot dahil sa pagsigaw nina Regine. Ngumuso ako.

"Uy! Nagmadali. Akala si Ram iyong bisita nya." Tukso ni Grace.

"Hindi ba kayo nagsasawaan? Halos araw araw ata kayong magkasama." Irap pa ni Regine.

"Hayaan nyo na at first time ni Bebe magka-lovelife." Segunda ni Jay Ann. "Nga pala, fix yourself! Pupunta tayo sa reunion."

"Reunion? Nino?"

"Gah! Nagkalovelife ka lang nalimutan mo na iyong mga nakalista sa to do list mo?"

"Oh my god! Ngayon ba?"

"Uhuh. Kaya mag ayos ka na at hihintayin ka namin dito." Tinapik pa ni Regine ang wristwatch nya. "Ten minutes! Ayokong malate."

Pinigilan kong mapa-ismid. Paano, umaasang baka makita namin si Gab sa bar na pupuntahan.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon