Chapter Thirteen

4.2K 88 4
                                    

Chapter Thirteen

Maingat kong tinago sa loob ng small walk in closet ko ang box kung saan laman noon iyong bracelet na ibibigay ko dapat kay Ramgiorel.

Ibuburo ko nalang siguro ito dito. Wala na namang rason para ibigay ko ito? Or siguro kapag nagkaroon ng pagkakataon, iaabot ko nalang. Since, narinig kong birthday nya noong January 22. Kahapon, iyong araw na nakita namin sya ni Kuya sa Home Gallery.

Nakarinig ako ng busina sa baba kaya tumayo na ako at sinarado na ang walk in closet ko.

Lakad takbo ang ginawa ko pababa. Isasabay na kasi ako ni Kuya patungo sa school. Nagpaalam ako kina Mommy bago pumasok sa passenger seat.

Ang weird lang ni Kuya na hinatid nya pa ako sa mismong gate ng department namin bago nya ako hinalikan sa pisngi ko. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Behave. Stop being cute." Aniya.

"Maganda ako." Irap ko. Pinisil lang ni Kuya ang magkabilang pisngi ko.

Sumulyap pa sya sa loob bago tuluyang nagpaalam sa akin. Ngumuso ako. What's with him? Lately, he's being weird!

Pumihit na ako paharap doon sa guard. Pinakita ko ang ID ko sa kanya, he smiled at me.

"Iba kasama mo ngayon ah." Puna ni Manong.

"Kapatid ko po iyon." Sagot ko.

"Kaya pala kamukha mo. Pero, hindi ka na ata hinahatid noong doktor?"

Natigilan ako. Ano bang dapat ireact ko?

"Ay hala. Ang tsismoso ko na pala. Pasensya na hija."

Nginitian ko nalang si Manong guard at tuluyan ng pumasok sa loob ng campus. Dadaan ako ngayon sa lab room, hindi naman sa nag-eexpect, pero sana makita ko si Ramgiorel.

Lihim ko nalang na sinapak ang sarili ko. Hay naku, Vexy. Gumising ka nga.

Halos mabali na ang ang leeg ni Shinubo sa kakayuko ng makasalubong ko sya sa hallway. I stopped myself from laughing. Eh kasi naman, yukong yuko sya like my kasalanan sya sa akin or something.

Gulat na gulat ang reaksyon nya ng muling magtama ang mata namin. I smiled at him. Alangan syang ngumisi sa akin.

Pinigilan ko lang ang sarili kong itanong kung bakit hindi nya ata kasama si Ramgiorel. Nawalan na din ako ng chance kasi mabilis na syang naglakad palayo sa akin.

Thesis na, syempre. Expected na si Jay Ann ang partner ko.

"You kept on looking at your phone?" Puna ni Jay Ann nang maglakad kami papunta sa library.

Magbe-briefing daw kami tungkol sa topic namin for thesis. At napansin pala nyang kanina pa ako sumusulyap sa phone ko.

"Ah, tinitingnan ko lang iyong oras."

"May relo ka naman ah."

"Tinitingnan ko kung tama ba."

Hindi na nya ako pinansin at nauna namg pumasok sa loob ng library. Inabot nya lang iyong library Id nya doon sa student asistant na naka-assign.

"Itext mo na kasi. Nagdadalawang isip ka pa eh."

"Pwede ba?"

"Oo naman. Hindi naman masama kung miss mo na sya." Ngumisi pa sya pagkatapos nyang sabihin iyon.

"Eh kasi, nakita ko sila ni..." nilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinakpan ko iyong bibig ko na parang bumubulong. "Camille Angelie sa Home Gallery. Tingin ko, okay na sila."

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon