Epilogue

10.8K 242 33
                                    

Epilogue

"Ayaw ko nga sayo, Kuya!" Sigaw ni Pio.

Hindi ko naman sya pinansin pa. Sinundo ko kasi sya dito sa park. Porke pinagalitan lang ni Dad, tatakbo na agad. Alam naman naming dalawa na hindi ako nakikipagkumpetensya sa kanya pagdating sa kompanya ni Dad. Gusto lang maging doktor balang araw.

"Manong! Hinto mo! Ayaw kong umuwi sa bahay." Kinulit ng kinulit ni Pio si Manong.

At dahil sa ginawa ni Pio, nadistract si Manong at muntik pang makabangga sa isang batang nakasakay sa bike nya. Buti at agad nyang nahinto ang sasakyan. Mabilis akong bumaba, sumunod si Pio sa akin.

The little girl is not crying, pero alam ko nasaktan sya.

"Do you think she's hurt, kuya?" Bulong ni Pio.

"I don't know. Mama will kill us. We almost hit the kid." I answered. Kinakabahang nilapitan namin iyong batang babae.

"No. I'm okay. Don't touch me." Mabilis nyang layo.

Nagpumilit syang tumayo pero tinulungan ko pa din sya. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya. May kamukha sya.

"Do you want us to get you to the hospital?" Tanong ni Pio sa kanya.

"May masakit?" I carefully asked.

Kumurap sya. Ah, she's too innocent in my eyes. "I'm fine. No need."

Tumango nalang ako. "Okay. But we're really sorry for the almost hit."

Umiwas sya ng tingin. Doon ko lang natantong kamukha nya si Erwan Samonte, iyong bestfriend ko. And geez! We almost hit her!

"Okay lang po." Sabi nya bago tuluyang umalis.

Pinakatitigan ko pa sya habang sakay ng bike nya na papalayo sa amin. Napalatak ako kasi nalimutan kong itanong ang pangalan nya.

"Hoy Kuya, tara na!"

Napisil ko nalang ang batok ko at sumakay na sa sasakyan namin para makauwi na.

"Manong, huwag nyo nalang pong babanggitin kay Mama ito."

"Sige, Sir Ram."

--

Birthday ni Erwan. Nasa bahay kami, ang totoo nan. Kanina ko pang inuuli ang mata ko sa bahay nila. Gusto ko lang makumpirma kung kapatid nga talaga ni Erwan iyong batang babae.

Ang kaso, wala naman akong nakikita dito. Malakas talaga ang loob ko dahil hawig na hawig sya kay Erwan.

"Kanina mo pa inuuli ang mata mo. Nagagandahan ka sa bahay namin?" Tinapik ni Erwan ang balikat ko.

"Baka naghahanap ng chicks." Tumawa si Nico. Napatawa na din ako at umiling.

"Ikaw, takaw mo sa chicks." Sita ni Pancho.

Tumigil si Erwan sa pagtawa dahil napatitig sya sa isang banda. Kapagkuwan ay lumapit sya doon. Sinundan ko ng tingin ang pinuntahan nya. Doon, nakita ko iyong batang babaeng muntik na naming masagasaan dati.

She's pouting her lips while rubbing her tummy. Nakasuot sya ng ternong pj's.

"Why are you here?" Rinig ko tanong ni Erwan. "Gutom ka ba?"

The little girl nodded. "I'm hungry. Did you see Manang?"

Maya maya pa ay lumapit ang isang may katandaang babae sa kanila. Tumango si Erwan bago bumalik sa pwesto namin. Nanatili naman akong nakatitig sa babaeng iyon hanggang sa sumulyap sya sa amin. I gasped as our eyes met. Malala ka na, Ram. Huwag yan. Kapatid ni Erwan yan.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon