Chapter Twenty

4.3K 94 0
                                    

Chapter Twenty

I kept my smiling face habang papasok kami sa loob ng school. May iilan na bumabati kay Ramgiorel. Probably, his block mates.

"San si Shinubo?" Tanong ko.

"He couldn't make it. Tatlo bagsak nya."

"Hala. Seryoso? Sayang naman."

Ako iyong nanghinayang para kay Shinubo. Ibig sabihin kasi babalik sya sa pagiging fourth year next year. Pero sana umattend nalang sya ng grad ball. Pwede naman ata iyon kahit hindi sya magmamartsa.

Dumaan kami ni Ramgiorel sa photobooth doon. Some of them tease us. Medyo may pagkahawig kasi iyong suot namin.

"Game na, Mr. Deanlister!"

Ngumisi si Ramgiorel at humawak sa likod ng baywang ko. He slightly pulled me closer to him, nilapat ko ang kamay ko sa dibdib nya and I look up to him bago ko naaninag ang flash. Four shots iyon na makukuha daw namin mamaya kasi ipiprint pa.

Tumuloy na kami sa paglalakad hanggang sa marating mismo ang pinakang venue sa may field doon. Samo't saring ilaw at mga tugtugin ang nakikita ko ngayon. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Ramgiorel pero agad ding lumuwag iyon kasi nakita ko kung sino iyong kumaway kay Ramgiorel.

It was Camille Angelie. Kasama nya iyong fourth year student na assistant sa library. Maybe she was invited.

"Hi. Invited ka?"

"Yeah." Humalik sya sa pisngi ni Ramgiorel. "Iyong pinsan ko. Wala daw syang mapiling date."

Umurong ako at pasimpleng binawi ang kamay ko dahilan para mapalingon si Ramgiorel sa akin. Sila pala, actually.

"Oh. You're with someone pala. I'm sorry. I acted so rude." Malamyos ang boses ni Camille.

Hinagilap ni Ramgiorel ang kamay ko kaya napaangat ang mukha ko. Camille Angelie is smiling wide at me. Wala akong nakikitang negative vibes sa kanya.

"Sabi ko na at ikaw ang idedate nya." Ngiti nya. "You look beautiful. Hindi kita napansin agad, Vexy."

"S-salamat. Mas maganda ka pa din, Camille."

"Thank you." Isang tamis na ngiti uli ang ginawad nya. "Doon lang ako ha. Enjoy kayo."

Sinundan ko ng tingin ang tinahak nya. Hindi pa ako matitinag kundi hinila ni Ramgiorel iyong kamay ko. Pagharap ko sa kanya ay nakita kong titig na titig sya sa akin.

"You okay?"

"Nailang lang."

"Kay Camille?" I nodded. "She's okay with it. Wala na syang hard feelings."

Tinungo na namin ang table kung saan nandoon ang mga kaklase nya sa Medicine. Agad nga na inulan ng tukso, hustong makalapit kami. He introduce me as his girl. Mas lalo syang kinantyawan dahil kilala pala ako noong iba bilang girl version nga ako ni Erwan Samonte.

I settled myself in one of the seats. Tumabi sakin si Ramgiorel. Kinakausap naman ako noong mga kaklase nya pero mostly, OP ako dahil puro sa pagdodoktor ang pinag uusapan nila na kulang nalang dumugo ang tenga ko sa malalalim na salita.

"Vexy! I knew you'd be here!"

Nagulat ako sa pagyakap na ginawa ni Regine sa akin. Tinulak nya ng pabiro si Ramgiorel.

"Ang ganda ganda mo! Napansin agad kita dahil sa braso mong malaki." Sinundan nya iyon ng tawa.

"Invited ka?"

"Yep. Si Hans kasi, wala na daw syang choice na maka-date." Ngumuso pa sya. "Iyon talaga. Porke hindi ko sya matatanggihan."

"Bestfriend mo pa din iyon?"

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon