Chapter Thirty Six

4.8K 118 2
                                    

Chapter Thirty Six

Nagkagulatan kami ng umangat ako ng tingin. Mabilis ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya. I heard him cleared his throat.

"Vexy.."

Tumibok na naman ng mabilis ang puso. Naman Vexy. Sinubukan kong tumayo pero mas lalo akong napangiwi.

"Mamamaga iyan." Aniya. "Here, take my hand."

Ilang segundo ko tinitigan ang kamay nya. Maybe he got irritate, mabilis nya akong binuhat. Sa gulat ko, napayakap ako sa leeg nya.

"What are you doing?"

"Helping you. Ano pa ba?"

"You don't need to this. I can walk."

Ngumisi sya at nagsimula ng lumakad.

"Ramgiorel, put me down. Nakakahiya."

"Don't worry. I can carry you."

"But still.. put me--"

Impit akong napatili ng mabilis nya akong binaba. Naituon ko ang paa kong naliyaan, muntik pa akong matumba kundi lang nya nahablot ang baywang ko.

"Are you crazy?!" mahina kong asik.

"Sabi mo, ibaba kita diba? Ayaw ko ng maingay. So, Can I carry you again?"

Hindi nalang ako umimik at hinayaan sya. Kokonti lang ang tao sa Hotel ngayon. Dinala nya ako sa lobby ng hotel at sinenyasan ang chambermaid na dumaan.

"A-ahh.."

"Sorry. Kailangan nating hilutin para hindi mabilis mamaga." Aniya. Tumango nalang ako.

He gently massage my swolen ankle. I bit my lower lip and took a glimpse of him, napasinghap pa ako ng pagsulyap ko sa kanya, ay syang pagsalubong ng mariin nyang tingin.

"Sir, ito na po ang cold compress."

"Thank you, Miss."

Dahan dahan nyang nilapag iyon sa bahagi ng paa ko. Seryoso ang mukha nya, hinayaan ko nalang.

"Feeling better?"

"A little bit. Hindi na naman siguro mamamaga."

"Pag uwi mo, lagyan mo agad ng ointment." Sabi nya na hindi pa din binibitawan ang paa ko. "For now, hayaan na muna nating nakadikit dito."

"Thank you, Ram.." he nodded.

Sa kakatitig ko sa kanya, tyaka ko lang naalala na diba sabi ni Kuya nasa siargao daw sya? Pero bakit sya nandito sa harapan ko ngayon?

Bago ko pa maitanong kung anong ginagawa nya dito ay naunahan na ako ng mga pinsan nya, sa pangunguna ni Shinubo.

"Siargao pala ha."

Umiling lang si Ram at tumayo na. Dahan dahan kong inayos ang paa ko, napapangiwi nalang ako.

"Langya, nandito ka lang pala." Ani James Michael bago lumipat ang tingin sa akin.

"Kaya naman pala." May panunuya sa boses ni Earl.

"Sinabi ko lang iyon dahil ayokong magpaparty para lang sa pagiging doktor ko. Si Dad lang naman may gusto nito."

"Pangarap mo to diba?" Si Eris Jon na buhat ang anak nya.

"Pangarap ko nga pero ayoko ng may party pa. Para saan pa ba?" Dama ang pagkalamig sa boses nya.

"Si Mama ay may gusto. Syempre, finally naging doktor ka na din." Pio tapped his shoulders. "Anong nangyari sayo, Ate Vexy?"

"She sprain her angkle." Si Ram ang sumagot sa kanya.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon