Chapter Thirty Five

4.7K 103 3
                                    

Chapter Thirty Five

"Vexy! Hiiii!"

Nahinto ang pagsipsip ko sa inumin ko ng marinig ko ang tumawag sa akin. Si Emsi.

"Hi. Alone?"

Hinalikan nya ako sa pisngi ko.

"I missed you." Ngiting ngiti sya. "Can I join you? I'm having a bad day."

"Inaway ka na naman ng mga pinsan at kuya mo?"

"No. Do you happen to knoe Vini Acosta?"

My forehead creased. "The famous racer? What about him?"

"I got an interview with him today but unfortunately pinaghintay nya ako ng tatlong oras! Biruin mo, tatlong oras?!" Damang dama ko iyong frustration nya.

"And then?" Naaaliw talaga ako kay Emsi. We're not totally close, kapag kasi magkasama kami dati ni Ram, palagi syang uungot kay Ram ng kung ano ano.

"I punched his face. Magdusa sya. And he can sue me if he can, wala akong pakialam. Nasayang ang oras ko sa walanghiyang iyon."

"Umorder ka ng gusto mo. I'll treat you."

"No need, Vexy. I already have my frappe."

"Miss Emerald." Tawag ng barista.

Nang makuha nya ang frappe nya ay bumalik sya sa upuan nya.

"Ang sarap talaga nito. Madalas ka pa din dito?"

"Malapit kasi tong Home Gallery sa Gracery store ng Mommy ko."

"Ay alam mo ba! Kuya Ram got his lisence na! Oh my! Doctor na talaga sya."

Tipid akong ngumiti. Well, he finally got his dream now.

"Sorry... wala na nga pala kayo." Alangan na sya bigla. "Hala! Sorry."

"It's okay. It doesn't matter anyway. Say my congratulations."

"I will..." Emsi smiled. "Nagkita na kayo?"

"Hmm.. hindi pa."

Tumango tango nalang si Emsi. Maya maya pa ay nagpaalam na sya at may kailangan daw syang ipasang report sa opisina nila. Sumunod na din akong umalis matapos kong kumain.

Babalik pa ako sa grocery store para icheck kung ayos na ba iyong dumating na bagong deliver. Pagkatapos ay uuwi na din siguro ako.

Nang makauwi ako sa bahay. Si Mommy ang sumalubong sa akin. Nakaupo sya sa sofa at nagko-cross stitch. Malapit na nyang natapos iyong si Papa. I greeted her and kissed her cheeks.

"Hi hunny. How's my grocery?"

"Still the same." Naupo ako sa tabi nya.

"Matatapos ko na to. At pagkatapos, papahinga lang ako ng isang araw then balik na ko. Ikaw naman ang dito sa bahay."

Pinikit ko ang mata ko. I got distracted when my phone beep. Napamulat ako agad at kinapa iyon sa bag ko.

"Nga pala, we are invited at the upcoming event of Lausingco Corp. May invitation na tayo." May inabot si Mommy sa side nya. "It will be held on this coming friday. Clear your schedule anak, aattend tayo."

Kumurap kurap pa ako sa invitation. I bit my lower lip. Kumpleto ang pangalan ng mga Lausingco dito. At tulad ng mga nakaraang occation, sa Lausingco Hotels gaganapin iyon.

Paulit ulit kong sinusuklay ang buhok ko habang nakaharap ako sa vanity mirror ko. I don't know if I am ready to face him again. After two years... pero for sure, naka-move on na iyon. Madaming magaganda sa ibang bansa. Hindi malabong wala syang naging girlfriend kahit isa sa mga iyon noong naghiwalay kami.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon