Chapter Twenty One

4.4K 97 5
                                    

Chapter Twenty One

Ramgiorel:
I'm on my way.

Napabuga ako ng malalim na hininga matapos kong mabasa iyong text ni Ramgiorel. Nandito ako ngayon sa Home Gallery, hindi din kasi ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ram na oo ang sagot ko sa kanya.

Panay ang sipsip ko sa matcha frappe ko. Nakailang pasada na din ako sa buhok kong ipinuyod ko pa para walang sagabal sa mukha ko. Lumingalinga din ako sa paligid.

Relax, Vexy... Relax.

Iyong box na naglalaman ng bracelet para kay Ramgiorel ay nasa harapan ko. Kahit papaano ay nakakalma ako sa kaalamang matutuwa sya sa regalo ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ng tumunog ang bell ng Home Gallery door. Agad akong napaayos ng upo ng makita kong si Ramgiorel na iyong pumapasok. He's wearing a black and white sando and white tokong shorts. Nakaipit iyong buhok nya into a manbun.

Dumirekta agad ang mata nya sa pesto ko. I wave my hands. Tinago nya ang cellphone na hawak sa bag na nakasabit sa katawan nya. Dumagundong ang puso ko nang humakbang na sya palapit sa akin. He bend down to kiss my cheeks na lalong nakapagdagdag ng kabog sa akin.

"Sorry, dinaan ko pa kasi si Pio sa kung saan. Nagpagasolina pa ako."

"Okay lang. What do you want? Kumain ka na?"

"Hindi pa naman ako gutom." Aniya sabay hablot doon sa matcha frappe ko. Nahagip ng mata nya iyong sky blue na kahon sa tabi noon.

Lumunok ako. "Ahm.. Ramgiorel,"

"Hmm.. akin to?" He asked plastering a ghost smile on his lips.

"Birthday gift ko dapat na naging graduation gift na lang." Tinulak ko ng bahagya iyon palapit sa kanya. "I hope you'll like it."

Pinanuod ko syang buksan iyon at kung paanong dumaplis ang tuwa sa mata nya. Inangat nya ang tingin nya sa akin at tumingin sa suot kong kwintas na kitang kita sa ibabaw ng neckline ng maroon vneck shirt ko.

"Bakit ngayon mo lang binigay?"

"Ano kasi... medyo hindi tayo okay noong birthday mo, diba?"

"Thank you, beb." He handed me the bracelet. "Isuot mo sakin para sweet." He softly chuckles.

Napangiti na lang din ako at kinabit iyon sa braso nya. Nakangising pinagmasdan nya iyon bago hinawakan ang kamay ko.

"I'll cherish this beb. Ito ang pangatlo mong regalo. May ibig sabihin ito?"

"Wala naman." Mahina kong sabi. "Gusto mong maglakad lakad? Ang ganda ng panahon ngayon diba?"

"Tara."

Nakahawak sya sa kamay ko habang naglalakad kami sa paligid lang ng Home Gallery. Mainit ang araw pero may lamig na kasama ang bawat hampas ng hangin.

"Beb?"

Nilingon ko sya.

"May sasabihin ka ba? Ang lamig ng kamay mo." Puna nya sabay pisil pa sa kamay ko.

Tinikom ko ang bibig ko. Halos lahat ng prinactice ko kagabi na sasabihin sa kanya ay tila parang hangin na naglaho bigla. Paano ba to?

Kung huwag nalang kaya? Mag aya na kaya ako pauwi? Aish, dapat pala nagtanong ako kina Regine kung paano nila sinasagot iyong mga manliligaw nila.

"Anong gusto mong gawin?" Tanong ko. Hindi sya sumagot kaya humarap ako sa kanya.

Salubong ang kilay nya at mariing nakatitig sa akin.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon