Chapter Nine

5K 108 5
                                    

Chapter Nine

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. It's just that, kinokumpirma ko nang malaki nga ang pagkakagusto ko kay Ramgiorel ngayon.

I set up my laptop and connect it to the tv.

Ilang beses kong inulit sa kanya kung ayos lang ba sya sa papanuodin namin. Kasi, medyo cliche iyong genre noong movie. But he assured me that he's okay with it.

Tinabi ko iyong isang ice cream sa ref dahil dalawang solo pack iyong binigay nya sa akin. And then, I shared him my donuts.

"Ramgiorel, are you really good with netflix?" Tanong ko uli.

Pinindot nya ang tungki ng ilong ko.

"I'm okay. Don't worry."

Tumango ako at sumandok ng ice cream. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa tv kahit na lumipad ang isip ko sa isang bagay na naalala ko kanina.

Naging matiwasay naman ang panunuod namin at nasundan pa ng isang movie. He was very attentive while watching, iniintindi nyang mabuti ang pelikula at kapag hindi nya gets, itatanong nya sa akin kung ano daw nangyari sa eksenang iyon.

"Can I ask you something." Tanong ko sa kanya ng matapos na ang isang pelikula.

"Go ahead."

"Why medicine? Not business. As far as I remember, Lausingco holds the most powerful business company in the whole asia."

"I'm not into business really. Si Pio ang bukambibig iyon. Mas prefer ko ang pagdodoktor."

"I see." Tumango pa ako. "You will be a good doctor someday. Ang talino mo kaya."

He licked his lips. "Hindi naman. Ganoon lang siguro talaga kapag interesado ka sa kurso mo. Ikaw ba, masaya ka sa kurso mo?"

Mabilis akong tumango. "Bata palang ako gusto ko na talaga iyong gumuguhit or nagpipinta."

"And you're not interested in being a doctor too? I mean like Erwan?"

Ngumiwi ako. "Ayoko no. Baka dumugo utak ko sa pinag aaralan."

Ang lakas ng tawa nya dahil sa naging sgaot ko. I bit my inner cheeks. He look so handsome while laughing.

"Ahm, Ramgiorel..." he stops laughing.

"Sorry. I can't stop laughing." Pinunasan nya ang gilid ng mata nya na may bakas pa ng tawa. "What was it?"

Itatanong ko ba? Hindi naman masama diba? Pero... hays. Syempre, ano privacy nya iyon.

"Wala. Don't mind it."

"So, can I ask you something too?"

"Yeah." Umayos ako ng upo. "Go on. Basta huwag tungkol sa math ha."

He curtly nodded his head. And cleared his throat. Sumalubong ang mata nya diretso sa mata ko.

My heart leap again inside my chest. What are you doing, Ramgiorel...

"What's your ideal guy?" Kaswal ang pagkakasabi nya niyon.

Samantala ako, halos magwala na ang mga paru paro sa tiyan ko. At nagpaparty na ang mga dugo ko sa loob ng puso ko.

But then, I calm myself.

"Slambook?" I tried joking. Pero nanatiling seryoso ang tingin nya sa akin. But there's a ghost smile in his lips. "Simple lang. Iyong may pangarap sa buhay, and he can fight for me, and yeah, he can gave me the unconditional love."

"And?"

"Iyon lang. Why did you ask?"

Hindi sya sumagot. Iniwas nya ang tingin nya sa akin at kinuha ang baso doon kung saan may lamang tubig. Pinanuod ko syang inumin iyon.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon