Chapter Twenty Five

4.6K 87 5
                                    

Chapter Twenty Five

Jusko. Totoo nga na marupok ako. Kasi, kakabalikan palang namin ni Ram tapos nag-momol na kami?

"Lalim ng iniisip natin ah." Binagga ni Jay Ann ang balikat ko.

"Ha. Ah, may naisip lang ako."

Binigyan nya ako ng mapanuyang ngisi.

"Kung gaano ka karupok kay Ram?"

Ngumuso ako at humarap kay Jay ann. Tinagilid nya ang ulo nya.

"May sasabihin ka?" Sumupil ang ngisi sa labi nya.

"Ano... kami ni Ram..." pumikit ako. "Nagmomol na kami."

"Oh my god! Teh marupok ka talaga!" Pabiro nyang sinampal ang pisngi ko.

"Di mo din talaga napigilan no? Nakakaloka ka." Tatawa tawa nyang sabi.

Nag init naman ang magkabila kong pisngi nang ipakwento nya sa akin kung paano daw. Hirap nga akong makatulog noong gabing iyon kasi panay anh sulyap ko sa pwesto nya.

Kinaumagahan. Wala na sya sa higaan. Napag alaman kong lumipat sya sa guest room na katabi ni Kuya Pancho. Kami lang dalawa ang nakakaalam ng nangyari nung gabi pati na din iyong narinig namin sa kabilang kwarto.

Normal lang kaming nag almusal bago sila umuwing lahat.

"Masarap no?"

"Ano ba, Jay ann! Tama na nga iyan."

"Natutuwa lang ako." Humgikhik pa sya. "Welcome to the club, bebe!"

The class ended well. Nakaabang na uli si Ramgiorel sa labas with his red vios. Luminga ako sa paligid para matingnan kung nandito pa iyong babaeng kumausap sa akin noon.

Nakita ko syang lumalabas sa gate but then, I choose to ignore her.

Sa bahay nina Ram kami nagpunta. Dumaan kami sa dunkin donut para may makain. He will tutor me. Sa sala kami nagpwesto kahit gusto nyang sa Library nalang. Medyo uneasy pa ako kapag naiwan kaming dalawa lang doon.

Nilapag nya ang iba't ibang klase ng libro sa harapan ko. Tinitingnan ko palang ay sumasakit na ang ulo ko. Meaning, ganitong mga libro ang binabasa nya dati?

"Beb, basahin mo to. Relate to sa topic ng seatwork nya. Tapusin ko lang tong in-email sakin."

Tumango ako at tinanggap iyong librong binigay nya. Binuksan naman nya iyong laptop nya at tumipa doon. Binalingan ko naman ang libro at nagsimula ng basahin iyon.

Hihinto lang kami sa pag aaral kapag nasakit ang ulo ko. He will give me a soft massage and we will continue. Ram is patiently explaining things to me. Good thing, nag-pa-function ang utak ko kaya mabilis kong naiintindihan ang lahat ng naexplain nya.

Ganon ang naging daily routine namin ni Ramgiorel hanggang sa mag exam. Hindi kami nagkita kasi busy din sya and I understand. Bumawi kami noong monthsary at birthday ko. September 13.

Binati nya lang ako noong umaga at binati ko din sya. I actually thought that he forgot my birthday kasi Monthsary lang ang binati nya sa akin. Pero pag uwi ko sa bahay, my room. Puno ng balloon at sticky note letters. May bouquet of flowers pa at three solo pack of rocky road ice creams. And he was standing near my bed, looking at me. May salo salo din sa bahay kinabukasan na sabado. Hindi naman na kasi mawawala iyon.

But all in all, masaya naman ang 20th birthday ko. I have my family, friends and Ramgiorel. Pinadala ni Kuya ang regalo nya sakin the day after the party. Syempre gulat na gulat ako kasi I never expected na bibigyan ako ni Kuya ng polariod. I've been dying to buy this. Ayaw kasi ako ibili ni Papa, pangit daw. And Mommy, sabi nya, I should work hard for that kaya thankful ako kay Kuya.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon