Chapter Thirty Two

4.6K 94 1
                                    

Chapter Thirty Two

Both of us were silent. Maybe he's really tired kaya hinayaan ko nalang. Nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay ay kinalas ko na agad ang seatbelt.

"Mag iingat pagdrive. Text me when you got home, okay?"

"I'm sorry. I forgot to celebrate our anniversay." Hinagilap nya ang kamay ko at dinala sa labi nya.

"Okay lang, beb. We can celebrate on weekends right?"

"I should have checked my phone. Pinaghintay pa tuloy kita."

I cupped his face. "I already said it's okay. Don't fuss about it. Pag uwi mo, take a rest agad ha."

Marahan syang tumango. He softly pulled me close to him and embrace me. Pumikit ako at dinama ang init ng yakap nya. Kapagkuwan ay paulit ulit nyang hinalikan ang ulo ko.

"Pasok na ko. Mag ingat ka ha."

"I will.." he murmured and pulled for a sensual kiss.

I kissed him back for me to feel him. Na hindi lang ako nananaginip. Bago sya tuluyang lumayo sa akin ay padampi dampi pa ang ginawa nyang halik sa akin.

"Shit beb. Don't kissed me back, baka hindi na kita pababain."

I giggled. Binuksan na nya ang pinto sa side ko. I kissed his chin before going out. Bumusina sya ng makapasok na ako sa gate. I waved at him at unti unting bumagal iyon nang mawala na sya sa paningin ko.

Atleast nakasama ko sya diba? It's no big deal.

***
Kinabukasan, halos mapasigaw ako ng makatanggap ako ng email galing sa Media Arts. May interview daw ako next week. Binalita ko agad kay Mommy iyon at syempre, nakitalon sya sa akin.

I texted Ram about it. He sent me goodluck text with a kiss emoticon. Papasok na daw sya, sabi ko lang ay pupunta na ako sa grocery store. Ganado ako magmanage niyon ngayon dahil sa magandang balita na bumungad sa akin.

Papalabas na kami ni Mommy sa pinto nang may bumusina sa labas. Ihahatid kasi ako ni Mommy sa suv namin. Binuksan ni Ate Rowena iyon at nakita kong nakaparada iyong pulang vios ni Ram sa labas.

"Good Morning.." bati nya pagkababa. Lumapit sya kay Mommy para halikan ito sa pisngi bago dumampi ang labi sa akin.

Naiilang na bumaling ako kay Mommy. Tinulak nya ako ng pabiro.

"Hatid ko na po kayo, Tita."

"Baka malate ka? Out of way ang papunta sa grocery store ni Mommy.." sabi ko habang sumisilip sa wrist watch ko.

"Si Vexy lang ang tutungo sa grocery ngayon. May lakad kami ni Roy mamaya." Imporma ni Mommy. May ichecheck pala sila ni Papa sa Pangasinan ngayon. Bagong branch ng Grocery namin. "Ihatid mo na si Vexy. Kanina pa kita hinihintay. Balak na tuloy magpahatid kay Manong Rolly."

"Sige Mommy. Mauuna na kami."

"Alright. Don't hesitate to call me if there's a problem, okay?"

Humalik ako kay Mommy sa pisngi at humawak na sa braso ni Ram. Nahuli ko syang kumindat kay Mommy at tumango. Mabilis kong binaling ang tingin ko kay Mommy na naka-thumbs up.

"What was that?"

"Oh nothing. Let's go."

Pagpasok sa sasakyan ay may napansin ako sa backseat na parang mga balloon na hindi pa totally nalalagyan ng hangin.

"Ano iyon?"

"Kay mama iyan. Pinabili lang."

Tumango nalang ako. Umandar na kami, dumaan sya sa gasolinahan. Tumunog ang phone nya sa dashboard. Sinilip ko iyon kasi busy si Ram makipag usap sa gasoline boy.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon