Chapter Sixteen

4.4K 100 3
                                    

Chapter Sixteen

"What?!" Asik ni Jay Ann. Agad ko syang binawalan at tinakpan ang bibig nya.

"Huwag kang sumigaw."

"Nanliligaw na si Ram sayo? Kailan pa?"

Halos mapa-ungol ako sa reaksyon ni Jay Ann. Wrong timing ata na ngayon ko sinabi, buti at kami nalang ang tao dito sa room. Tapos na kasi ang last subject namin at mali ata na binulong ko kay Jay Ann iyong panliligaw ni Ramgiorel.

"Di kaya nabibilisan kayo? Oo nga't you both like each other?"

Ngumuso ako. Actually, naisip ko din iyan pero wala namang masama kung magtake kami ng risk ni Ramgiorel. Kung mag work, di okay. Kung hindi, alam kong mahirap pero we have to decide.

"Alam mo naman iyon. Wala namang masama kung itry namin diba?"

"Are you sure about this?"

"Ninety-nine percent." Binuhat ko na ang bag ko at humawak na sa braso nya para lumabas na ng room.

Kaso, nakatayo sa labas iyong boyfriend nya. Tinago ko iyong simangot ko.

"Albert! Akala ko may library study kayo?" Gulat na sambit ni Jay Ann.

Sinulyapan pa ako nitong si Albert kaya binitawan ko ang braso ni Jay Ann.

"I got pissed kaya dito na ako dumiretso sayo. Wala ka ng klase?"

"Wala na." Alangang tumingin sa akin si Jay Ann.

"Sige. I'll go ahead. Ingat kayo pag uwi." Hinalikan ko si Jay Ann sa pisngi. "Bukas nalang uli."

I tapped Albert's shoulder.

"Sama ka samin. Kakain?" Alok ni Albert.

Lumukot ang mukha ko kaya natawa sya.

"Ayoko maging third wheel ngayon." Kumaway na ako. "Sige na. Enjoy!"

Inayos ko ang buhok ko at nauna na sa kanila sa paglalakad. Sanay na naman akong palaging naiiwan kasi may mga boyfriend mga kaibigan ko. Sanay na talaga ako.

"Miss Samonte?"

"Yes po, Miss Espanya?"

"Can I have a favor? Or nagmamadali ka?"

"Pauwi na din po."

"Nagmamadali kasi ako. Pero pwede bang paabot nitong folder kay Mrs. Majubi? I have very important meetingm so, okay lang ba?"

Nginitian ko sya. "Sure, Ma'am."

"Thank God! Salamat Miss Samonte."

Kinuha ko na iyong folder at naglakad pabalik sa library. Si Mrs. Majubi kasi iyong librarian doon. Binilisan ko lang iyong lakad ko para mabilis din akong makarating sa library.

Sumilip muna ako bago ako tuluyang pumasok sa loob. May isang section doon na library time ngayon kaya sobrang tahimik, well, palagi namang tahimik dito sa library.

Dumiretso ako sa reciever's desk at bahagyang natigilan dahil sa isang pamilyar na mukha.

Nakangiti si Camille Angelie while talking to her friend again. May hawak din syang makapal na libro. I cleard my throat.

"Hi. Manghihiram ka ng libro?" Bati noong student assistant na kausap ni Camille Angelie.

"Ah. Hindi, may iaabot lang ako kay Mrs. Majubi. Nandyan ba sya?"

"Nag-cr lang. Ano ba iyon?"

"Itong folder. Si Miss Espanya ang nagpapabigay." Nilahad ko sa kanya iyon.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon