Chapter Thirty Four

4.4K 96 1
                                    

Chapter Thirty Four

Siguro mga thirty minutes na akong nakatitig dito sa mga paintbrush ko na nakalagay sa isang storage box. Naka-limang beses din kasi ako sa pagaayos at pag alis nito sa kahon, pagkatapos ay bubuntong hininga nalang ako.

Napaayos ako ng may kumatok sa kwarto ko. I looked back and saw Mommy standing near my door. She was smiling, kahit papaano ay nagkaka-glow na uli ang mga mata nya.

"My, anything you need?" Ngiti ko.

"Tinitingnan ko lang kung anong ginagawa mo." Humalukiphip sya. "What are you doing?"

"Ah, tinatabi ko lang yung mga gamit pang-pinta."

"Bakit?"

"Kasi Ma, makalat. Ayoko ng makalat." Tumawa pa ako ng bahagya.

Sabay kaming naupo ni Mommy sa soft couch na nandoon. Pinagmasdan din ni Mommy iyong nasa loob ng storage box, matapos ay bumalik ang mata nya sa akin.

"Is this still about..."

"Ma, kahit naman po ipilit ko, hindi ko na din kaya." Malumanay kong sabi.

Hinaplos ni Mommy ang kanang kamay ko. Hindi na masyadong masakit iyon tulad noong nakaraang taon.

"Are you okay, Ma?"

"Feeling better. Your Papa misses you. Hindi ka daw sumama pagbisita sa kanya."

"I already prayed to him and says Hi." I smiled. "Ma, ako na muna ang bahala sa grocery. Dito ka nalang."

"Mabuti pa. Tatapusin ko din kasi iyong cross stitch ni Papa mo. Para naman hindi sya nagtatampo. Pinangako ko kasi sa kanya iyon."

After namin mag usap ni Mommy. Hinatid ko na sya sa silid nila ni Papa. It's been one year since Papa past away. Unti unti na kaming nakaka-move on and we have this little routine to visit him hin his grave first thing in the morning. Hindi nga lang ako nakasama dahil tinabi ko na lahat ng painting materials ko. Hindi ko na din kasi magagamit, ibebente ko din iyong iba sa online. Maayos pa naman sila at maganda pa.

Matapos kong mag ayos ay naupo ako sa harap ng vanity mirror ko. May silver cross doon kung saan nakalagay iyong stetoscope necklace na bigay ni Ramgiorel sa akin. I stopped wearing it after the day we broke up. Pero tinabi ko naman sya as a remembrance. Ngingiti nalang ako kapag nakikita ko sya hindi na katulad ng dati, I always saw myself crying. Asking if I made the right decision.

Two months after we finally decided to end our relationship, nakita ko syang kasama ni Kuya sa hospital, naka-duty. I know for myself na pinigilan ko talagang yakapin at halikan sya tulad ng dati dahil wala na kami. At sa nakikita ko, mukhang maayos naman ang desisyon ko kasi narinig ko mula kay Kuya na tinanggap nya na ang scholarship finally.

Even we ended our relationship, hindi naman pwedeng maapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Kuya. Naintindihan ni Kuya kung bakit ko piniling hiwalayan nalang si Ram, hindi sya nagtanong, hindi rin sya nagalit. After that incident, one month later, he finally flew to New York to fullfill his dream once and for all. Pinigilan kong makibalita, at nagpasyang magmove on nalang. Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa, and I should understand that.

Nagpaalam na ako kay Mommy na pupunta na sa grocery store namin para imanage iyon. Simula ng mamatay si Papa, iyong ibang branch na tinayo namin sa ibang lugar, pinasara na ni Mommy. Dalawa lang ang tinira nya. The main branch that located here in Manila and the other on located in Lucena.

Sa ngayon, ako na din muna ang nagmamanage, or kung minsan tulong kami ni Mommy. Si Kuya, doktor na sya ngayon, still happy with Ate Leni. Tungkol naman doon sa Media Arts kung saan ako nag-apply. I didn't make it. Bukod sa hindi ko na kayang magpinta at nagdrawing ng mga obra, hindi na din ak tinggap pa doon. For me, it was okay. After my accident, I've decided to stop painting pero kung minsan nagdadrawing naman ako sa sketch pad, madali lang kasi sumasakit ang kaliwa kong kamay.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon