Chapter Thirty Three

4.4K 95 1
                                    

Chapter Thirty Three

May idea na ako kung bakit gusto akong makausap ni Tita Libby. Pero kahit ganoon ay dinadambol pa din ako ng kaba sa dibdib ko. Lalo na't papasok na ako ngayon sa isang fine dinning coffee shop. Late pa nga ako ng fifteen minutes kaya nakakahiya dahil nakikita ko na si Tita Libby na nakaupo sa isang couch sa may bandang gitna sa loob ng mismong coffee shop.

I wore my smile and greeted her. Tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit.

"Kayo palang po, Tita? Sorry po at na-late ako."

"It's okay. Have a seat."

Nakangiting naupo ako sa tabi nya. She ordered two blend and brew coffee for us na umuusok pa.

"May inaasikaso kasi si Danilo sa kompanya. So, hindi ba kita naistorbo?"

Umiling ako. "Hindi naman po."

"Do you want some pasta? Or some fresh bread?"

"Fresh bread nalang po." I smiled.

She signaled the waiter for our order. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang fresh garlic bread namin. Dumampot ako ng isa para maibsan ang kabang nararamdaman ko.

"Hija, how are you and Ramgiorel?" Panimula ni Tita.

"We're doing good po."

"I heard from him na may interview ka sa Media Arts? That's a big company." Bakas ang kasiyahan sa mukha nya. "Congrats. I hope matanggap ka."

"Thank you po, Tita. Pinapapunta nga po uli ako sa company next saturday. Medyo kinakabahan po ako."

"Don't be. Just take a deep breathe." Ngiti nya pa.

Kumagat ako sa garlic bread at pinunasan ang gilid ng bibig ko.

"So, magiging busy ka na after that?"

"Baka po. But I think it's good po. Busy din naman si Ram." Alangan kong sabi. "Pero naglalaan pa din po kami ng oras para magkita or magkasama."

"I see.." biglang tumamlay si Tita Libby. "Vexy, hija. Gusto sana kitang makausap about Ramgiorel. I hope you don't mind."

"I won't mind po..."

"You see, he's really busy these past fews days. May times na puyat sya or hindi talaga natutulog. Pinagsabihan ko na dapat maging healty sya kasi Doctor sya diba? At alam ko naman na hindi mo pinababayaan iyon."

Taimtim akong nakikinig kay Tita Libby.

"And may araw na hindi sya papasok para magbawi ng tulog tapos aalis kasi pupunta sayo. Nang malaman ng Dad nya ang ginagawa nya, nag away sila. Danilo said at Ramgiorel that he should focus on his masteral nya kasi three years lang naman. Akala ko sinunod nya ang Dad nya but he didn't. Vexy, hindi naman sa sinasabi kong ikaw ang may kasalanan kapag minsan ay hindi sya focus sa pagduduty pero ikaw kasi ang nakikita ni Danilo. Sinabihan ko din na hayaan nalang si Ram at matalino naman iyong panganay nya."

"Pinagsabihan ko din po na huwag lumiban sa duty para lang pumunta sa akin. And I think po na nakikinig naman sya sa akin."

She smiled. "I can see that. But... did you know about the scholarship offered for him?"

"To be honest po, hindi. Nalaman ko lang po kay Shinubo iyon. Ram never mentioned me anything."

"Kay Shinubo ko din nalaman iyon. So I assume na baka alam mo na din." Umiling ako. She took a deep sighed.

"Hindi pa po namin napag uusapan iyan. Kasi po, tutuk sya sa duty."

"His Dad asked him about the scholarship. Alam mo ba ang sagot ni Ramgiorel? Hindi nya daw tatanggapin kasi ayaw nyang malayo sayo. Mas okay na daw na dito sya sa manila makapagtapos as long as nasa tabi mo sya. And you know, Danilo got mad." Napapikit si Tita at umiling. "His Dad said, that that scholarship is one of his dream to be a real doctor someday pero dahil daw sayo, mabilis na natanggihan ni Ram ang isang malaking opportunity na iyon."

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon