Chapter Thirty Eight

5K 114 4
                                    

Chapter Thirty Eight

"Sabi na, ikaw iyong nakita kong nagpropose. Nice one, Erwan!"

Umayos ako ng upo ng unang makalapit si James Michael sa pwesto namin. Inayos ko ang strap nung suot kong one piece. Tumayo si Kuya at sinalubong ng high five si James Michael. Hanggang sa naramdaman ko na ang presensya ng Lausingco's sa gilid ko. And that sharp eye.

"Anong meron?"

"Debut ni Primrose. Dito napili ni Lola gaganapin. What a coinciedence?" Mapanlokong ani Pio sabay sulyap sa akin.

I smiled at them. Binati din nila sa Ate Leni na nasa tabi ni Kuya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong Lausingco, afterwards, I smiled at them.

"Kailan pa kayo?" Eris Jon asked.

"Kanina lang. Kayo ba?"

"Kakadating lang namin halos. Maganda pala dito?" Sagot naman ni Pio. "Hi Ate Vexy.." he even winked.

Natawa ako sa ginawa nya. Nahagip ng mata ko ang pagtitig ni Ramgiorel sa akin kaya napaayos ang upo ko, I suddenly feel unconcious of what am I wearing.

Kakahiya, Vexy. Laki ng braso at tiyan mo tapos lakas ng loob mong magswimsuit?

Thank God na agad silang nagpaalam na aalis na. Palihim akong sumulyap sa kanila bago ko nahuli ang mapanuyang tingin galing kina Ate Leni at Kuya. I pouted.

"Mabali leeg mo," Kuya smirked and shooked his head.

"Napatingin lang naman eh." Lumumbaba ako.

Day two. Kokonti lang ang tao kasi sino ba naman ang magswi-swimming ng November? Syempre kami, kaya kami nandito kasi sayang iyong napanalunan nina Kuya tyaka para makapag-unwind kaming pamilya.

Dumating pala kahapon iyong mag asawang Caleb at Grace, kasama sina Albert at Gab. Kaya si Regine at Jay ann, syempre tuwang tuwa. Katabing room lang ang kinuha nila sa amin.

Nakatanaw ako sa swimming pool kung nasaan ang mga kaibigan ko. Wala kasi ako sa mood magswimming kaya tinanaw ko nalang sila.

"Hoy Vexy! Halika!"

"Sige. Mamaya na, tinatamad pa ako!" Sigaw ko pabalik kay Grace.

Niyakap ko ang mga binti ko at bumuntong hininga. Nandito pa kaya sina Ram? Alam ko kasi kagabi ginanap ang debut ni Primrose. Baka naman umalis na din sila agad.

"Hala ka. Hindi ka naman nag eenjoy." Ani Regine.

"Wala lang talaga ako sa mood."

"Ikaw ba namang maglasing kagabi. Akala mo ba, kung ano ano kaya ginawa sayo ni Kuya Erwan. Palibhasa tulog mantika." Tumatawang sabi ni Jay ann. Nakipag-apir pa sya kina Grace.

Binalewala ko nalang iyon.

"Sa room muna kami. Ikaw ba?" Tanong ni Caleb.

"Dito na muna. Masarap hangin dito." Tinaboy ko na sila paalis.

Binalingan ko iyong dala kong smart c at uminom doon. Humampas ang malakas na hangin sa buhok ko kaya agad kong inayos iyon.

"Mind if I join you?"

Napapitlag ako sa baritonong boses na iyon na pamilyar na pamilyar sa akin. I shifted from my seat and look at him. Nakatunghay sa akin ni Ramgiorel, wearing his broad shorts and plain gray shirts. Lumilipad ang buhok nya gawa sa hangin.

He smiled and I can feel my heart beat fast.

"S-sure." I swallowed.

Tila ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng mga paru paro sa loob ng tiyan ko nang umupo sya hindi kalayuan sa akin. I kept my straight face, hindi ko naman naiwasang maamoy ang pabango nya.

Unconditional Love (Lausingco Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon