Chapter 43

116 1 0
                                    


Evah's POV

"Beh anong agahan ...medyo nagugutom ako ngayon meron ba?" Tanong ko Kay Somia habang naghahanap ako ng makakain sa refrigerator

Ginabi na rin kasi kami ng uuwi ni Jalri kagabi dahil sinama niya pa ako sa mansion nila

Gusto daw ulit akong makita Nina Ninong at Ninang dun

Nakita ko naman si Somia na mukhang problemadong problemado

"Wala pa Evah at wala akong time atsaka  nag text si Arisa sa akin ngayon pinaghahanap kami ng bagong location kung saan kayo magshoshoot ni Jalri bukas

Kaya heto ni hindi pa ako kumakain ng agahan

Beh problemado ako...kawawa naman ako" sabi niya

Napatigil ako sa pagkain ng tinapay na bagong toast ko sa drama niya

"Hmm ang dami mong drama Somia madali lang naman iyan...ito liit na bagay pinapalaki " sabi ko

Medyo namumugto ang mata niya at maga pa ng humarap sa akin

"Beh... Siyanga pala ibahin natin yung topic kahapon nung umalis kayo
May naririnig lang ako na ...ay!!!huwag na nga lang mamaya sabihin mo kasi na maninira lang ako " sabi niya

Medyo naintriga naman ako sa gusto niyang sabihin na hindi naman niya maituloy

"Ano Somia tungkol saan ba yung sasabihin mo !sabihin mo na ng matapos mo na!" Sigaw ko nakakainis kasi nakakacurious lang

"Ah eh tungkol sa boyfriend mo si Jalri Montes...beh huwag kang masasaktan ...kasi narinig ko lang kagabi yung make up artist ni Mam Vhian

Na may scandal daw si Sir Jalri na may ni rape na babae sa mismong unit niya

Atsaka wow lang yung video nun ay mismong nakita niya na napanood din ni Mam Vhian

Kaso nga lang medyo di maaninag yung mukha nung babae kasi medyo naging Malabo

Kaya ayun...beh kagabi ko pa iniisip itong sabihin sa iyo na yung boyfriend mo...may ginawang kalokohan bago pa man maging kayo" sabi ni Somia na ikinagulat ko

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa tinapay Na para bang gusto ko ng durugin ang bawat piraso nun

Ang babaeng yun ang Vhian na yun ang impaktang yun

Ang lakas din talaga ng loob niya na ipagkalat ang kahayupan niya ...ang set up niya

Anong gusto niya sirain ng sobra si Jalri

Para bumagsak siya ganun ba yun?

"Beh mag ingat ka sa boyfriend mo ha hindi ko inakala na ganun pala siya sobrang sikat na niya pero bakit nagawa niya yun pero di pa naman sure kaya huwag kang mag panic" sabi ni Somia

Pero naiisip ko kung alam lang ni Somia na ako mismo ang babaeng yun siguradong magagalit siya ng sobra

Kaya mabuti na lang at hindi niya alam... Mas mabuti na rin naman ang ganito

Bigla naman nag ring ang phone ko at nakita ko na tumatawag si Mam Xesia sa akin

"Hello Mam?" Tanong ko

"Evah?Hmmm pwede ka bang maimbitahan dito sa massage salon na bagong branch namin

Well Pinareserved kasi kita dito and gusto ko na sana pumunta ka ...gusto ko kasing makakwentuhan ka dito at higit sa lahat sinabi sa akin ni Celdrick na ikaw ang bagong girlfriend ng kapatid niya kaya gusto ko na sumama ka sa amin Nina Rhee kumpleto kami...hindi ka ba busy ngayon?" Saad niya pa

The Falling Trap(Montes Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon