Jalri's POV
Pumunta ako sa Montes Empire ngayon...nagulat kasi ako nang biglang nag text Si Eron ang kanang kamay ni Daddy na pumunta daw ako sa opisina niya
Kaya nagmadali akong tumungo dun at bumangon mula sa kinahihigaan ko
Napaidlip din kasi ako simula kasi kaninang umaga na inutusan ako ni Kuya Zachie ay halos mapuyat ako
Inayos ko na lahat para maaga na rin na dumiretso sa opisina niya
*****
"Sir Jalri sumunod na lang po kayo sa akin" saad ni Eron at pinag buksan ako patungo sa opisina ni Daddy
Si Eron na kasi ngayon ang tumayo ng sekretarya ni Daddy medyo seryoso ang lalaking ito pero isa siya sa pinag kakatiwalaan ni Dad bukod Kay Evah
"Sir Frank nandito na po si Sir Jalri" sabi niya Kay Daddy na napatayo ngayon patalikod sa amin at umiinom ng brandy habang tinatanaw ang labas
Humarap siya at lumingon sa amin
"Salamat Eron iwan mo muna kaming dalawa ...kailangan namin nang
sariling oras nang kaming dalawa lang" sabi niya Kay Eron kaya lumabas na ito mula sa pintuan ng opisina nitoNakatayo lang ako dun habang si Daddy tumatakal nang inumin at iniabot yun sa akin
"Heto maupo ka muna" sabi niya
Sinunod ko lang siya hanggang sa nagsalita siya
"Nalaman ko na kumuha ka daw ng private investigators para hanapin si Evah ,Jalri?" Tanong niya
"Opo" sagot ko
Umupo siya sa swivel chair niya
"Aaaah maling desisyon di mo siya mahahanap nang ganun kadali
Dahil naunahan na kitang itago siya " sabi niya paMedyo naiinis ako sa sinabi niya kaya idinaan ko na lang sa paglagok ng Brandy ang inis na yun
"Pero ngayon kung gusto mo siyang makita... Pumunta ka ulit sa hospital kung nasaan nanganak ang asawa ng kuya mo si Querika
Sigurado ako na matatapos na ang paghahanap mo" tipid na sabi niya atsaka lumabas na bigla
Tinapik niya ako "Huwag ka nang magpa kahirap pa nandun lang siya" sabi niya
Si Evah nandun siya ...umuwi na siya at si Daddy pa ang nagsabi kung nasaan siya
Kailangan kong magmadali at Dalian na puntahan siya dun dahil baka hindi ko na naman siya naabutan at umalis siya nang maaga
...
Nagmamadali ako na tinungo ang kwarto ni Ate Querika sa third floor nang hospital na yun mabuti na lang at may elevator para madali ko yun marating
Unti unti ko yun na binuksan at pagkabukas ko ay nakita ko na ang nakatalikod na imahe ni Evah habang buhat buhat yung baby Nina Kuya Zachie
Naririnig ko na parang sumisinghot singhot na siya dahil sa pagluha niyaKaya dali dali kong iniabot yung tissue sa kanya
Kinuha niya yun at ipinunas sa mata niya hanggang sa lumingon siya sa akin
"Ja-jalri?" Saad niya
"After nine months you're back...
Ang tagal kitang pinahanap
Dito lang pala tayo magkikita" sabi ko sabay hawak sa kamay niya"Gusto ko mag usap tayo...yung tayo lang
Kausapin mo ako mag paliwanag ka
Mag paliwanag ka sa akinSa taong iniwan mo
Iniwan mo nang walang paalam" singit ko pa at sumunod lang siya palabas ng room na yun******
Dinala ko siya sa restaurant kung saan kami dating kumakain
Nakangiti lang siya sa akin habang hinihiwa niya yung steak na nasa plato niya
Iniabot nya yun sa akin at kinuha yung plato ko na hindi ko man lang ginagalaw
"Let's eat Jalri... Matagal tagal rin tayo na hindi nagkasabay na kumain ulit dito kaya kainin mo na iyan hinila ko na iyan para sa iyo" sabi niya sa akin
"Evah ...why did you left me ...bakit hindi mo man lang ako kinonsulta kung aalis ka ...you left me without any valid reason hindi valid yung sulat mo sa akin ...mag paliwanag ka ngayon Evah... I want your explanation" saad ko
Pero siya tuloy tuloy lang sa paghiwa sa steak niya ininom yung red wine sa tabi niya at tumingin sa akin
"I'm sorry Jalri... Gusto ko lang kasi nun na huwag ka nang madamay pa sa pagdurusa ko...I want you to be happy...that's it tama na yun bilang valid reason ko...I'm sorry" sabi niya at Bumuntunghininga
Nung narinig ko yun ay nilagok ko yung wine ko na halos maubos sa baso ko
Yun ba?yun na yun...masyadong mababaw ang reason niya...at hindi ko yun tinatanggap man lang
Nakangiti lang siya na parang walang nangyari at nagsalita ulit
"Jalri let's not talk about the past...gusto kong ikwento mo naman sa akin yung tungkol sa iyo ngayon?" Tanong niya
Pinunasan ko nang table napkin ang gilid ng bibig ko at nagsalita
"I have a girlfriend" saad ko
Nakita ko na natigilan siya sa paghiwa ng kinakain niya
At tumingin ulit sa akin ngumiti ulit siya na parang hindi siya apektado but I know ...nagulat siya sa sinabi kong yun
"Good...you moved on from what happened... Mabuti naman I'm happy for you... For the two of you" sabi niya at tinawag niya bigla yung waiter para humingi ulit nang wine
Nahahalata ko nasaktan siya nung sinabi ko yun yung reaksyon niyang yun...yun ang gusto kong makita ngayon
"So sana siya na ang huli Jalri don't let her go ...marry her if you want I know she will gave you cute babies
Gawin mo akong Ninang kapag nangyari yun Jalri, promise me" sabi niya"Okay " sagot ko
....
Hinatid ko si Evah sa bahay niya at pinagbuksan siya nang pintuan palabas ng kotse
"So Goodbye Jalri sa susunod kung sakali man na magkita tayo Ipakilala mo naman sa akin yung girlfriend mo gusto ko siyang makikilala para maging magkaibigan kami" sabi niya sabay hawak sa kamay ko
"Goodnight,bye" sabi niya at tumalikod na sa akin
Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad para buksan ang pintuan nang gate niyaTinatanaw ko siya hanggang sa makapasok siya sa gate
Naiwan niyang bukas yun
Hinihintay ko kung papasok ba siya pero parang matatagalan siya dun
Nakikita ko yung nakatalikod niyang imahe mula dito
Sana ...lumingon ka
Evah lumingon ka na
Pakiusap
Bibilang ako...
At kapag hindi ka pa lumingon
Ako na ang tatakbo papunta sa iyo...
#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try

BINABASA MO ANG
The Falling Trap(Montes Series #7)
Ficción GeneralEvah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humingi ng isang pabor ang Boss niya na pinagkakautangan niya ng lahat Isang pabor na hindi niya pwedeng...