Chapter 60

112 1 0
                                    

Jalri's POV

Isang buwan na rin ang lumipas nang malaman namin ni Evah na magkakababy na kami at ngayon ang ika three months niya

At ngayon na siya binigyan ng permiso ni Direk na mag leave na lang muna at higit sa lahat last part na ngayong araw ng parte niya sa series ang gagawin namin

Okay naman lahat ...hindi naman masyadong hirap si Evah dahil Hindi siya napapagod kaagad at higit lahat hindi nakakapagod ang binibigay ni Direk Lorvelle na part para sa kanya

Nakatanaw siya ngayon sa may balcony ng bahay na lugar kung saan sila nagshoshoot

Umiinom siya ng gatas di niya alam na parating ako isinama kasi ako ni Dad kanina sa meeting dahil busy si Kuya Rein sa iba nitong appointments tutal wala pa naman yung scene ko pumayag na ako at tinaboy rin ako ni Evah na sumama Kay Dad

Nakangiti siyang hawak hawak yung tiyan niya

Kaya pumasok na ako sa loob at umakyat para isurprise siya

Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi

"Hmmm?" sagot niya at nilingon ako

"Jalri!?" Gulat na tanong niya sa akin at ako naman ay niyayakap siya

"Surprise Evah ko namiss mo ba ako?" Tanong ko

Hinila naman niya ako sa tabi niya

"Oo naman namiss kita...sobra kitang namiss akala ko si Somia ang makasama ko maghapon dito dahil wala ka pero heto dumating ka ...

Thank you talaga kasi pakiramdam ko nalulungkot ako kapag wala ka" sabi niya

"Hmmm di mo matiis na mawala ako sa tabi mo Evah? alam mo ba na kanina pakiramdam ko ang bagal ng takbo ng oras sa meeting na dinaluhan namin ni Dad kanina dahil hinintay pa namin yung mga Villafuerte

Haaay mabuti na lang at mabilis lang ang diskusyon na ginawa nila at natapos din nang maaga kaya nga dumiretso na ako dito" sabi ko

"Aaaah kaya pala " sabi niya at isinandal yung ulunan niya balikat ko
"Jalri maiba tayo...nakausap namin Nina Direk Lorvelle at Somia si Edriven kahapon na nagkakalabuan daw sila ni Vhian
Kaya nagkipag cool off muna si Edriven sa kanya...kaya hayun umiiyak si Edriven sa harapan ni Direk Lorvelle na sana tanggalin na lang yung character niya sa series

Medyo naapektuhan na din kasi siya lalo at pressured na rin nang dahil Kay Vhian

Sa tingin mo magkakabalikan pa ba kaya sila ?" Tanong ni Evah sa akin

Napaakbay naman ako sa kanya

"Oo naman atsaka malapit na rin naman Silang ikasal  magkakabati pa rin naman sila" sabi ko

Humarap sa akin si Evah at hinawakan ang mukha ko

"Kaya ikaw Jalri huwag na huwag kang susuko...minsan bugnutin ako pero ganun lang talaga ako kasi nga moody ako sa ganitong mga panahon

Ayoko matulad tayo sa kanila Jalri" sabi niya

Hinalikan ko yung kamay niya

"Siyempre naman... Atsaka magkaiba kami ni Edriven hindi ako katulad niya na madaling sumuko

Makulit ako at hindi ako titigil na mahalin ka" sabi ko

Ngumiti siya sa akin

"Naku ang cute mo diyan" sabi niya ta sabay pisil sa ilong ko

"Jalri parang gusto ko ng mango ngayon pwede mo ba ako bilhan please..." Sabi niya sa akin na parang bata lang na may gustong bilhin

"Hmmm okay sige bibili  ako pero sinong kasama mo dito ayaw mo bang bumalik sa dressing room mo?" Tanong ko

"Ah okay lang ako dito masarap yung hangin atsaka parating na rin si Somia nag Lbm kasi siya at pabalik balik sa banyo may nakain yata na masama pero babalik yun" sabi niya

Hinawakan ko yung kamay niya

"Evah hintayin na lang muna natin si Somia para sure ako na may kasama ka dito

Nandun kasi silang lahat sa may sala tapos ikaw mag isa dito ano?" Sabi ko

Bigla naman dumating ang isa sa mga staff namin

"Bea ikaw pwede mo ba siyang samahan dito ...mag isa kasi siya may bibilhin lang ako pakisamahan lang sandali si Evah" sabi ko sa kanya

Ngumiti naman Si Bea at tumango "Opo Sir" sabi niya

"Oh Evah bibilhin ko na yung request mo hayaan mo bibilisan ko para makain mo na agad yun" sabi ko sa kanya

Ngumiti lang siya at umalis na ako kaagad

*****

Nakabili na rin ako ng mangoes na gustong gusto ni Evah Kaya ngayon nagmamadali na akong nagdrive para makapunta na agad dun

Hanggang sa di ko inaasahan na may patawid na aso sa daan kaya bigla akong napapreno

Kamuntikan ko nang di maihinto yun

Mabuti na lang at naiwasan ko agad pati na rin ang bilis ng pagliko ko kung di ko naagapan yun mababangga ako sa puno

Napahawak ako sa dibdib ko kinabahan ako dun akala ko katapusan ko na

Pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho ko pero yung kaba ko di ko alam kung bakit hindi pa rin maalis sa akin

Nakarating naman ako ng ligtas at nagmamadali ng pumasok sa loob ng bahay na yun nakita ko sila na busy

Pero papunta pa lang ako sa may hagdanan ay nakasalubong ko si Vhian na may dugo yung kamay at umiiyak

"Teka anong nangyayari sa iyo?" Tanong ko

"Jalri....si Evah di ko sinasadya...si Evah naitulak ko siya...

Sinanggi ko siya at nagmadali na tinungo si Evah

I saw her she's bleeding

Umiiyak din siya kaya binuhat ko na siya kaagad palabas nagulat sila nang makita yun

" Oh no anong nangyari tumawag kayo ng ambulansya!!!"sigaw ni Direk Lorvelle sa mga staffs niya

Pero ayaw ko nang hintayin pa yung ambulansya kailangan madala ko na si Evah sa hospital

Dinudugo siya at halos namumutla na

"Jalri!!!" Iyak niya "Jalri yung baby natin!!!"

#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try









The Falling Trap(Montes Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon