Chapter 64

108 0 0
                                    


Evah's pov

Nakatulala lang ako sa malayo habang pinagmamasdan lahat ang buong paligid

Iniwan muna ako sandali ni Manang Agatha para may kunin sa baba at para sabihin na rin Kay Jalri na isabay na yung gatas na kukunin niya

Ilang minuto pa ng paghihintay ko mag isa dito ay nakatanggap ng text ang phone ni Jalri

Galing yun Kay Ninong at pagbukas ko nang phone ay sinasabi niya na pumunta si Jalri sa study room

Pinilit ko yung sarili ko na tumayo ilang linggi din akong di nakapaglakad ng ganito at parang namamanhid ang mga binti ko

Lumabas ako nang kwarto at pumunta sa study room kahit nakapaa ako

Pero di ko inaasahan ang Nadatnan ko

Si Jalri umiiyak siya at pagmamakaawa Kay Ninong na ilayo ako

Parang dinudurog yung puso ko nang makita ko siya sa ganung sitwasyon

Kaya nagsalita ako sa harapan nila pagkapasok ko

Ayaw kong pumayag sa desisyon ni Ninong...

******
Pagkatapos ng gulo kanina ay hinila ko si Jalri palabas ng study room at dumiretso sa kwarto

Ayaw kong makipagtalo pa Kay Ninong ngayon lang ang unang beses na hindi ako sumunod sa gusto niya

At si Jalri seryosong tumingin lang sa akin habang ginagamot ko ang sugat sa gilid ng mga labi niya

Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko at parang tuod lang na nakaupo sa tabi ko

"Evah ...Pangako aayusin ko ito hindi ka madadamay sa video na iyon pangako" sabi niya sa akin

Pero patuloy lang ako sa pag gamot ng sugat niya

Pagkatapos kong gamutin ang sugat niya ay nanatili na lang muna kami sa loob ng kwarto

Ayaw ko siyang payagan muna na lumabas

Nakahiga ang ulo ko sa may dibdib niya habang nakapikit ang mata ko

Hinihimas himas niya  ang ulo ko at hinahalikan ang tuktok nito habang ang kabilang kamay ko naman ay hawak niya

Mahaba haba ang ginagawa niyang yun...ang buong akala niya tulog na ako pero ngayon ang gusto ko lang ay magpahinga at sumandal sa kanya habang nakapikit ang mata

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa may narinig akong sumisinghot singhot at parang umiiyak

Hindi ko pinansin yun...siguro si Jalri lang yun at sinisipon siguro siya

Pero nagulat ako ng marinig ko yung mga salita sa pagitan ng parang luha na yun

"I'm sorry Evah...I'm sorry sa lahat...I'm sorry kung nangyari yun sa iyo... I'm sorry kung pati ikaw madadamay...I'm sorry kung hindi ko nailigtas ang baby natin...I'm sorry kasi kailangan kong pumili...wala akong choice dahil wala na talaga siya

Evah ...promise...basta para sa iyo titiisin ko...okay lang na saktan ako ni Daddy... Okay lang

Pero sana huwag kang lumayo sa akin kasi kailangan kita...sobra

At di ko kakayanin kung wala ka" bulong niya habang umiiyak

Dumilat ako at tiningala siya ...bumangon ako sa pagkakahiga sa tabi niya

Ipinatong ko yung palad ko sa mukha niya at pinunasan ng mga daliri ko yung luha na tumulo sa mga mata niya

Bakit ganun ngayon na nakita ko si Jalri na umiiyak parang nahati ang puso ko

Bakit ganun ang sabi nila di naman umiiyak ang lalaki...kasi mas itinatago daw nila yung nararamdaman nila para mag mukha silang malakas...pero in Jalri's situation napatunayan ko na ang katulad niya ay umiiyak at humahagulgol din pala ...they are strong pero darating ang oras na may parte sila na mahina

Niyakap ko siya ng mahigpit at bumalik sa pagkakahiga ko

"I know you're hurt too...I feel it
But It happened
Don't cry its too much for us to be sad Jalri...

I love you" sabi ko sa kanya

Tumigil siya sa pagsinghot singhot niya nang sinabi ko yun

"I'm sorry nagising kita Evah" sabi niya

"It's okay ...nandito lang ako sa tabi mo" sabi ko

"I love you too Evah" sagot niya

This time I have to be much stronger

I have to....

#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try




The Falling Trap(Montes Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon