Chapter 44

109 0 0
                                    


Jalri's POV

"Kamusta kayo....Good Morning Guys !!! " sigaw ko nang dumating ako sa may restobar ni Kuya Keldrick habang nag usap usap sila dun at umiinom ng wine

Mga mukha silang seryoso na biglang tumingin sa akin

"Walang Good sa Morning Jalri ...wala busy kami at may iniisip pa" sabat ni Kuya Aizel sa akin

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Kuya Rein na nakatutok ang mata sa Laptop niya

"Ano ba kasing problema niyo?bakit ayaw niyo bang nandito ako ano?!" Sabi ko

Kinuha ko yung phone ko sa may bulsa ko

Pero pinigilan ako ni kuya Celdrick "Kung binabalak mo na tawagan si Evah pwes huwag muna busy sila sabi ni Xesia may gagawin daw sila.ngayon at huwag muna silang I contact kaya iyan kita mo sila mukhang tunganga dito...bad trip sila kasi nag happy happy yung asawa nila nang hindi sila kasama" sabi ni Kuya Celdrick bigla namang binato ninkuya Zachie ng throw pillow si Kuya Celdrick

"Oo tama iyan!iyan kasing si Celdrick di man lang pinigilan yung asawa niya na sa next week na lang sila mag bonding ...anniversary pa naman namin ni Querika pero ano nandito ako !nandito ako sa boring na lugar na ito...nagtitiis kasama kayo!!!" Sigaw ni Kuya Zachie sa amin

"Edi umuwi ka sa bahay mo kung ayaw mo dito di ka naman namin pinipilit" sabat naman ni Kuya Keldrick

Haaay nakakainis edi hindi ko nga makakadate ngayon ang Evah ko dahil busy sila buong araw at buong araw kasama ko ang mga ito!
"Tssss ano ba iyan" bulong ko

Napatingin naman ako Kay kuya Jannie na parang may malalim na iniisip kanina pa kasi siya di nagsasalita at mukhang may problema kaya nilapitan ko siya

"Kuya Jannie anong meron at tahimik ka diyan?!" Sabi ko

"Ha!ako?wala may nakita lang ako nung isang araw ...huwag niyo akong intindihin" sabi niya

Medyo nakakapagtaka siya kapag ganyan siya sure ako na malaking problema yun

"Naku Jalri iniisip pa rin kasi ngayon ni Kuya na nakita niya nung isang araw si Serene yung kambal mo...di nga ako naniwala sa kanya paano naman niya makikita si Serene ngayon eh twenty one years na ang lumipas at sure ako na kung sakaling buhay pa siya ngayon iba na ang itsura nun...five years old lang siya nung nawala di ba?kaya paano nasasabi ni Kuya na nakita daw niya si Serene" sabi ni Kuya Rein

Si Serene nakita daw niya?paano?maski ako di ko na matandaan yung mukha niya kaya paano nakita ni Kuya si Serene

"I'm sure nakita ko si Serene nung nasa mall ako kasama ko si Cracille para bumili ng gamit nung triplets then I saw her mula ulo hanggang paa kilala ko si Serene dahil fifteen years old ako nung nawala siya

At tandang tanda ko pa ang mukha niya...hindi ako magkakamali

Pero nung tinawag ko siya tinakbuhan niya lang ako...ngayon iniisip ko kung sasabihin ko ba Kay Dad o hindi...she is our long lost sister at siguro tama talaga ang hinala ko
Matagal na siyang pinapahanap sa akin at ngayon finally nakita ko na siya" sabi ni Kuya Jannie

"Huwag muna Kuya siguraduhin mo muna...mamaya kasi namalikmata ka lang o kaya nagkamali ka kasi kung sasabihin mo agad iyan Kay Daddy sure ako na ipapahanap niya ora mismo si Serene at kukunin siya naiintindihan mo ba?...at higit sa lahat may malaking posibilidad na kapag nakita si Serene ay ipipilit siya na ikasal sa isa sa mga anak na lalaki ng pamilya Villafuerte kawawa naman ang kapatid natin kung ganun
Ang matali sa mga iyon isang malaking hindi ,hindi natin kayang makita ang makasal ang nag iisa natung kapatid na babae sa mga mayayabang na yun kahit si Daddy pa ang may kagustuhan" sabi pa ni kuya Rein sabagay ang mga Villafuerte sila ang pinakamalaking investors ng kumpanya at tama nga si Kuya Rein once na mahanap si Serene baka nga mangyari yun

"Haaay ano ba iyan pwede change topic ! Mamaya kasi may makarinig tungkol sa pagkakakita ni kuya Jannie Kay Serene naku lagot na kapag ganun Kaya mag move on muna kayo!

Pagkuwentuhan naman natin ang tungkol sa lalaki may bagong girlfriend si Mr.Superstar oh ano ?anong pakiramdam na maging girlfriend si Sweetheart ko?" Tanong ni kuya Celdrick sa akin na ikinainis ko ilang beses niya bang itatawag Kay Evah ang sweetheart

"Bakit kailangan mo pang malaman kung paano mag mahal ang Evah ko siyempre nagmamahal siya katulad ng isang normal na tao at higit sa lahat ...iba siya ...ibang iba siya " sabi ko

"Naku ibang iba Kay Vhian? Di ba siya clingy...eh yung makulit na parang linta sa iyo kasi sure ako na hindi ganun si Evah may pagka manhid yun pero sobra magmahal ang kaibigan kong yun Jalri kaya sana huwag mong sasaktan si Evah dahil makakatikim ka sa akin ng matindi subukan mo lang" sabi ni Kuya Celdrick

"Oo makakatikim ka talaga Kay Celdrick naku Jalri subukan mo lang talaga" sabi pa ni Kuya Rein

"Oo hindi ko naman Siya sasaktan atsaka wala naman akong nasaktan sa lahat ng nakarelasyon ko..." Sabi ko

"Oo wala Jalri wala naman binabalaan ka lang namin dahil sobrang malapit ang loob ni Daddy at Mama Kay Evah at sila ang unang maapektuhan kapag gagawin mo yun" sabi naman ni Kuya Zachie

"Pero maiba tayo...si Vhian naalala niyo ba yung ginawa niya dati dun sa isang fan na hinalikan si Jalri sa labi

Naku mag ingat ka pa rin Jalri Kay Vhian di mo pa ba tanda na muntik itulak ni Vhian yun sa hagdan ...kaya tandaan mo si Vhian pinsan man siya ni Brenna magkaiba sila

Si Vhian na ngayon na nalaman na ampon siya... Mas matindi magalit ngayon kaya ikaw Jalri-" naputol ang pagsasalita ni kuya Keldrick

"Kaya daw ikaw Jalri mag ingat ka Kay Vhian...she's not the same as before maybe noon naagapan pa ang nangyari pero ngayon si Evah yung kaibigan ko ingatan mo...ingatan mo siya" sabi ni kuya Celdrick

"Okay di ko talaga siya pababayaan ...hindi" sabi ko

#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try







The Falling Trap(Montes Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon