Jalri's POV
"Were here Sir...siguro Manong Rick tatawagan na lang namin kayo kapag natapos na kami dito magpahinga na lang muna kayo" sabi ni Evah Kay Manong Rick
Medyo seryoso siya at parang talagang tutok sa trabaho niya
At mas gumaganda ang dating niya sa akin kapag ganyan siya
Bubuksan na sana niya yung pintuan ng bigla kong pinigilan ang kamay niya
"Sir bakit?" Tanong niya
"Ako na iikot lang ako pagbubuksan na lang kita" sabi ko
Medyo mahihirapan kasi siya sa pag bukas nun at bilang isang gentleman na katulad ko I have to do it for her
Medyo maikli kasi ang skirt niya na halos nakikita na ang ...ang
"Aaah Jalri ano bang iniisip mo... Focus...focus...focus"
Pag bukas ko ng pintuan niya ay ngumiti agad ako pampa good vibes lang mamaya kasi mag iba ang mood niya
*****
"Ah Evah sorry kung nabigla kita kanina kasi naputol yung pag usap natin kagabi sasabihin ko sana sa iyo
I cocontact sana kita ulit kaso naalala ko baka natutulog ka na Sorry
Tumingin siya sa akin
" Sir huwag ka nang mag alala diyan ...its not a big deal isa pa ako nga dapat ang mag sorry sa iyo
Sobrang late na ako sa tamang oras
At naghintay ka ng matagal
I'm sorry Sir"sabi niya
Medyo nabigla ako sa sinabi niya at natuwa na rin
***
Habang nagpapaliwanag si Evah sa may conference meeting ay di ko maiwasan na titigan siya
Akala ko mababagot ako kapag nandito ako pero ngayon na nasa mismong harapan ko si Evah
Di ko mapigilan na mag skip ng kahit isang kisapmata
Evah...bakit kasi ngayon lang kita na kilala
Bakit kasi nasaktan pa kita ng ganun
Napatawad mo na kaya ako o kaya
Nakalimutan mo na yun
Sana ...kapag nahulog ako sa iyo saluhin mo ako
Sana ...kapag natutunan na ulit tumibok ng puso ko tanggapin mo ako
Alam ko ...hanggang ngayon may bubog pa tayo sa isat isa pero magpupursigi akong tanggalin iyon
Para magamot na kita
"Sir?Sir Jalri may gusto po ba kayong sabihin ...o Kaya imungkahi we will listen to you Sir"
Bigla akong nagulat ng nasa harapan ko na mismo si Evah na nagsasalita
Napanganga ako dahil di ko inaasahan na sobra na pala akong natulala sa kanya
"Ah ...eh ...ah wala I'm sorry medyo tulala lang talaga ako lately ...I'm sorry" sabi ko
...
Natapos na rin kami at maayos naman ni Evah ang lahat bilib ako sa kanyaMarami siyang magawa na di man lang ako nakarelate
"Aiiish Jalri medyo nakakahiya ka talaga" bulong ko
Habang naghuhugas ng kamay sa may restroom
Inayos ko ang suit at tie ko mamaya napansin na naman ni Evah na hindi maayos ito at siya pa ang mag atubili na ayusin ulit yun nahihiya naman ako
Tintitigan ko ang mukha ko mula sa aayos ng buhok at sa mukha perfect talaga
"Iba ka talaga Jalri kaya dapat talaga makita ka sa TV hindi yung sinasayang mo ang ipinagkaloob sa iyong kagwapuhan" compliment ko sa sarili ko
Kailangan ko ng balikan si Evah...aayain ko siya na mananghalian tutal maagang natapos ang lahat
Pero pagkalabas ko di ko inaasahan ang mga nangyayari
Nagkakagulo ang lahat sa may lobby at sumingit ako sa mga empleyado na nakakumpol dun
At di ko inaasahan ang nakita ko
Biglang bumilis nag tibok ng puso ko at natakot bigla
Si Evah
Medyo hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko
Si Evah may nakatarak na kutsilyo sa leeg niya na kaunting galaw lang niya pwede siyang mahiwa o masugatan
Hawak hawak siya nung medyo ka tandaan na lalaki na may pagka pamilyar sa akin
Ang mga gwardya naman ay may nakatutok na baril dun sa lalaki
Nakikita ko na kaunting galaw lang ni pwede siyang mapahamak bakit ba kasi iniwan ko pa siya
"Ibaba niyo na ang patalim Sir pwede natin itong pag usapan...Mr. Ferrer...kung may problema tayo" sabi ni Evah habang nakikipag kasundo sa lalaking nang hostage sa kanya
"Anong sabi mo sekretarya ka ng mga Montes!at higit sa lahat gusto kong makipag usap sa mismong may ari nito...sa tingin niyo may nakikinig ba sa akin!!!kung sakali na meron mang isa sa inyo na alam kung nasaan ang isa sa mga montes magmamadali na kayong tawagan siya at kung hindi makakakita kayo ng duguan na katawan sa harapan niyo!!!"
Nakita ko naman na tumitig si Evah sa akin at umiiling
Para bang ayaw niya na sabihin ko na Montes ako
Hanggang ngayon pinoprotektahan niya pa rin ako
"Sir wala po dito sila kahit isa ...Mr.Ferrer twenty years kayo nag trabaho dito sana naman po iisipin niyo ang buhay niyo pagkatapos nito...makukulong kayo or worst...someone will pull the trigger and shot you...please sir let me go ....hayaan niyo kung sakali aayusin natin ang problema niyo just wake up...please pag isipan niyo ito" sabi ni Evah
Natatakot na ako alam ko nagagalit si Evah kapag sinabi kong montes ako but I have to
She's in danger at pagdating sa kanya di ko hahayaan ulit na masaktan siya
Not now not again
"Ako !ako ang kausapin niyo ako si Jalri Montes Ang bunsong anak ni Frank Montes may ari ng kumpanyang ito!"
Napatingin silang lahat sa akin
Kinakabahan man para Kay Evah gagawin ko ito
"Ikaw!!!...sige gusto kitang makausap" sabi niya
"Ano ano bang dapat pag usapan?" Tanong ko
"Gusto kong malinis ang pangalan ko...wala na nawala ang lahat ng pinaghirapan ko
Ang asawa ko ...ang anak ko lumayo sila sa akin ng dahil sa eskandalo!!!
Pinagbintangan ako ng kumpanya na ito na magnanakaw ako
Pero kahit kailan hindi ko nagawa yun
Kaya kung sakali... Kung sakali bawiin niyo ang sinabi niyo sa media
Linisin niyo ang pangalan ko
Pakiusap!!!o kung hindi nanganganib ang babaeng ito
Dadanak ang dugo dito...
Ilang hakbang...
Ilang hakbang palapit na ako sa kanila
Si Evah nakapikit siya pigil hininga niya na inilalayo ang kutsilyo na nakatarak sa kanya
Evah...
Evah tutulungan kita
Gagawin ko lahat para sa iyo...pangako
#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime

BINABASA MO ANG
The Falling Trap(Montes Series #7)
Ficción GeneralEvah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humingi ng isang pabor ang Boss niya na pinagkakautangan niya ng lahat Isang pabor na hindi niya pwedeng...