Chapter 46

119 2 0
                                    


Jalri's POV

"Jalri kumain ka muna nagluto ako medyo napupuno na kasi itong refrigerator mo ng mga pagkain na di mo man lang ginagalaw tapos yung iba expired na...kaya itinapon ko" sabi ni Evah habang hinahanda sa mesa yung mga niluto niya

Nagmamasid lang ako sa kanya habang siya abala sa mga ginagawa niya

"Jalri ano?ayaw mo ba hinanda ko pa naman sa iyo iyan akala ko magugustuhan mo?" Sabi niya At biglang sumimangot

Hinawakan ko ang mukha niya at pinisil ang magkabilang pisngi niya

"Ano ka ba Evah sinong nagsabi na hindi ko magugustuhan ang luto mo Amoy pa nga lang masarap na ...atsaka wife material ka pala Evah" sabi ko sa kanya

Napangiti siya ng kaunti at isinubo yung isang hiwang tocino sa bibig ko

"Hmmmp binobola mo naman ako Jalri ang lakas mo talaga mang uto akala mo naman bagay sa iyo iyan lalo na iyang mga pangiti ngiti mo" sabi niya

"Hindi kaya kita binobola ...atsaka alam mo bang isang ngiti ko lang sa mga fans ko humihiyaw na sila di ko nga alam bakit nga ba napaka lakas ng dating ko sa kanila
Kaya kita mo sikat ang boyfriend mo nung bata nga ako sabi nila huwag ko daw sayangin ang mukhang ito kaya heto nag artista ako para maibahagi ko ang kagwapuhan ko...hindi naman kasi ako selfish mapagbigay kaya ako" sabi ko sa kanya

"Tssss mayabang ka!at iyang kayabangan mo kinain iyang buong sisitema mo kaya ang lakas ng tiwala mo sa sarili mo Jalri!" Sabi niya sa akin

"Oo naman malakas nga  ang tiwala ko sa sarili ko at higit sa lahat malakas din ang tiwala ko na tayo na hanggang dulo... Di ba nga ako ang papakasalan mo ikaw kasi ayaw mo pa " sabat ko pa

"Tumahimik ka na diyan Jalri isasaksak ko talaga itong lahat sa bibig mo!" Sigaw niya nakakatawa  naasar na talaga siya

...

"Jalri  hintayin mo na lang ako diyan tutal tapos ka na mag aayos ng sarili mo

Hayaan mo bibilisan ko nag text kasi sa akin si Manager Verah na dadaanan daw niya tayo dito kasi may shooting daw tayo mamaya" sabi niya

Kaya naghintay ako sa kanya sa may sala at kumuha muna ng chips sa may ref para may mapaglibangan muna ako sa paghihintay sa kanya

...

Ilang minuto la ang lumipas nang mahagip ng tingin ko yung phone niya na naiwan dun

Kinuha ko iyon para dalhin sana sa kanya sa taas pero nakita ko na hindi pala naka lock at di ko nasadyang mapindot yung notes app na biglang nagbukas

Medyo na curious ako sa mga laman nun at pinindot ko lahat

Puro appointment at schedules ang naka saved dun pero may iisang note ang iba sa lahat

Nakasulat dun yung mga salitang

"Mr.Frank Montes wants me to Seduce Jalri Montes and make him fall for me"

Medyo natawa ako sa notes na ito hindi ko na ikinagulat pa ito ...I know this in the first place

Lalo na nung nag iba ang pakikitungo ni Evah sa akin

~Flashback~

"Jalri pwede bang pakibigay Kay Dad itong isang file na hinihingi niya ...nakalimutan ko kasi paalis na rin ako susunduin ko muna si Rivanh  sa may coffee shop pakisuyo na lang muna" sabi ni kuya Rein sa akin sabay abot ng isang red folder
Nagtungo ako papunta dun dumaan kasi ako para makita si Evah kaso busy siya sa pag aasikaso ng kailangan ng kumpanya

Papasok  na sana ako sa loob dahil nakaawang naman ng kaunti ang pintuan pero di ko inaasahan yung mga maririnig ko mula sa bibig nina ni Dad at ni Evah kung saan magkausap silang dalawa

"Evah okay na ba ?yung plano sinisimulan mo na ba?" Tanong ni Daddy sa kanya

"Opo ...hayaan niyo gagalingan ko ang pang aakit Kay Sir Jalri nang sa ganun mas mabilis ang lahat

Magiging masaya rin siya Sir... Hindi ko naman siya sasaktan" sabi niya

"Okay Good Job Evah mapagkakatiwalaan ka talaga"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan ko

Nasaktan ako oo

Naapektuhan sobra

Pero lahat ng yun di ko iniisip na masama yung nagawa nila para magalit ako

Si Evah tama lang ang ginawa niya siguro ...siguro ginawa niya yun dahil sa kasalanan ko

Kasalanan ko na wala nang kapatawaran pa...alam ko ngayon di pa niya ako mahal

Pero ako Mahal ko siya ...sobra

~End of Flashback ~

Hanggang ngayon iniisip niya pa rin pala iyon naalala ko yung sinabi niya kagabi na paano kung may kasalanan siya

Siguro nakonsensya siya ...pero kahit ganun

Di ko kayang magalit sa kanya hinihintay ko lang na sabihin niya...sabihin niya lahat tutal sa akin naman nagsimula ang problema

Ako yung unang nanakit sa kanya ng sobra

"Jalri let's go baka hinihintay na tayo ni Manager Verah sa baba" napalingon ako Kay Evah at binitawan ko bigla yung phone niya

Baka kasi makita niya na pinapakialaman ko yun

Ngumiti ako at lumapit sa kanya niyakap ko siya ng mahigpit

"Jalri may problema ba?" Tanong niya

"Wala ...wala lang ito nagpapractice lang ako na umiyak mamaya kasi masayang  yung oras namin kapag maraming take nang dahil sa akin" palusot ko

"Okay pero huwag ka ngang masyadong makayakap diyan iniipit mo na ako" reklamo niya

Hinalikan ko yung pisngi niya

"I love you Evah...I love you mahal mo rin ba ako? "sabi ko

"  Oo naman baliw ka ba ? O sige na I love you too"

#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try








The Falling Trap(Montes Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon