Evah's POVIlang buwan na rin ang dumaan nang malaman ko na magkakababy na kami ni Jalri
At kabuwanan ko na rin
Kaya heto nakatunganga lang ako sa bahay kasama si Jalri
Pinacancel niya kasi lahat ng mga schedules namin at higit sa lahat ayaw niya akong magtatrabaho sa ganitong sitwasyon iniingatan niya ako ng sobra...minsan nakakairita na rin talaga yung pagka protective niya
"Evah ko ?may gusto ka bang kainin?ano gusto mo ba na pumunta tayo sa restaurant Nina Kuya Rein para ipagluto ka dun ng paborito mong pagkain" sabi ni Jalri sa akin habang nakaupo ako sa may sofa at siya naman sinusuklay suklay ng daliri niya ang buhok ko
"Jalri gusto ko lang ng katahimikan please... Hindi ko na maintindihan yung pinapanood ko huwag kang masyadong madaldal diyan" sabi ko sabay ngata nung apple na kinakain ko
Pero hindi siya nakikinig masyadong madikit si Jalri sa akin at masyadong maingay sa tabi niya
"I love you Evah" bulong niya "I love you" saad pa niya
Paulit ulit yun at hindi tumitigil hanggang di ko siya pinapansin
"Aaaish Jalri oo na I love you too!!!huwag ka nang maingay nakakairita na talaga!!!ang kulit mo!" Sigaw ko
Mas inilapad pa niya yung ngiti niya at hinawakan yung tyan ko
"Hmmm baby oh si Mommy mo nagagalit .siya nga yung nilalambing diyan ayaw pa niya" bulong ni Jalri sa may bandang tiyan ko na malaki na
Hinalikan niya yun at Tumingala sabay halik din sa tuktok ng noo ko
"Ang Ganda mo Evah... I promise mo sa akin na kapag nanganak ka na ay magpaplano na tayo sa kasal natin" sabi niya sa akin
"Jalri paano kung huwag na lang kaya tayong magpakasal...uso naman yun di ba as in live in na lang tayo" sabi ko
Biglang nag iba yung mood ni Jalri at parang naging seryoso
"Live in?!Evah gusto ko ng kasal...at hindi ako papayag na hindi ka magpapakasal sa akin!!!bakit ba ganyan ka" sabi niya na biglang tumaas yung Boses niya
Nanahimik ako ng kaunti at humarap sa kanya
"Ayaw mo nun pwede mo akong ipagpalit ...okay lang naman yun sa iyo ayaw mo nun makakahanap ka ng mas maganda at sexy sa akin...kaya huwag na lang tayo magpakasal" sabi ko
Di ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko lahat ng yun pero dahil na rin siguro sa insecurities ko ngayon sa itsura ko lumobo kasi ako at parang ang taba ng mukha ko maski katawan ko mataba na rin
At di ko maiwasan na maisip na baka pagkatapos kong manganak ay di na bumalik sa dati pa yung katawan ko
At higit sa lahat si Jalri siyempre ipagpapatuloy niya yung pag aartista niya edi makakahanap siya ng mas maganda at sexy sa akin dun kaya nagdadalawang isip ako na magpakasal sa kanya
Tumayo si Jalri at nagpaalam
"Saan ka.pupunta?" Tanong ko
Walang emosyon siyang sumagot
"Diyan lang sa coffee shop ni kuya Jannie hihigop lang ako ng kape magpapahangin na rin ako..." Sabi niya at tumalikod
"O sige bahala ka" sagot ko
Siguro nagalit siya nung sinabi ko yun sa kanya
"Pero tandaan mo Evah magpapakasal tayo ...ayaw mo man o gusto
Matagal ko na itong Naisip...maging sapilitan man ang pagpapakasal natin gagawin ko mapa oo lang kita " sabi niya pa
....
Illang minuto na rin ang lumipas simula nung umalis si Jalri
Tinawagan ko si Sir Jannie kung nandun ba siya sa coffee shop
At sabi niya nandun nga daw siya nakatulala habang umiinom daw ng kape
Bahala siya ,siya na nga yung binibigyan ng chance diyan na humanap ng iba ayaw pa niya atsaka ganun niya ba ako kamahal sobra sobra...eh ni hindi nga niya ako mapansin nun dati atsaka si Yvonne naman talaga first love niya
At ako ...siya yung taong una kong minahal
Haaaish baliw ka talaga Evah hirap ka pa rin magtiwala...hanggang ngayon
Habang patayo ako sa sofa ay may Naramdaman akong biglang sakit sa tiyan ko
Bigla akong napaupo ulit at namimilipit na sa sakit ng tiyan
Dinudugo na rin ako
Kinuha ko yung phone ko at nag dial sa number ni Jalri
"Hello? Jalri!" Sabi ko habang namimilipit sa sakit
"Teka Evah bakit parang iba yung tono
May problema ba?" Tanong niya"Jalri...jalri ang sakit ng tyan ko...dinudugo na ako manganganak na yata ako bilisan mo jalri puntahan mo na ako dito" sabi ko
*****"*
Jalri's POV
Pagka tawag sa akin ni Evah ay nagmadali akong nagmaneho at tinungo agad yung bahay namin
Pagkabukas ko ng pintuan ay Nadatnan ko siya na halos mamilipit sa sakit ng tiyan
Binuhat ko siya agad at inilabas ng gate isinakay ko na rin siya ng kotse
"Jalri!!!jalri manganganak na ako ...please bilisan mo na magdrive"
*******
Matagal akong naghintay sa labas ng Emergency Room kung saan Nanganganak na si Evah
Halos manginig ako sa kakahintay kung ano na nga bang nangyayari sa kanya
Dapata hindi ko na lang siya iniwan kanina para uminom ng kape pero ako itong hindi nakapagtimpi at nagpalipas pa ako ng oras dun kina kuya Jannie
"Hoy jalri namumutla ka diyan..." Sabi ni kuya Keldrick
Hindi ko siya pinansin...hindi talaga ako mapakali sa kinauupuan ko masyado akong kinakabahan sobra
Lumabas na si Ate Fei at sinalubong ako agad
"Ano ate okay lang ba si Evah? Ate bilis na sagutin mo na yung tanong ko kinakabahan na ako dito " sabi ko
Huminga siya ng malalim
"Congratulations Jalri ...its a twin girl boy congratulations..." Sabi niya
Nakahinga ako ng maluwag nung malaman ko yun para akong nabunutan ng tinik
*******
"You're awake..." Sabi ko agad Kay Evah at ngumiti sa kanyaNiyakap niya ako bigla"oh bakit ka nangyayakap ng ganyan?"tanong ko
"I'm sorry... Akala ko ...akala ko okay ako na wala ka pero ang tanga ko ...di ko alam na hindi pala...Jalri Kailangan pala kita" iyak niya
Haiiish bakit ba siya nagkakaganyan o Talagang may sapi lang siya kanina bago manganak
"Tumigil ka ngang umiyak Evah ...okay na yun okay na" Sabi ko
Bigla naman pumasok sa room yung nurse at iniabot sa amin yung kambal na hawak nila
Pinabuhat nila yun Kay Evah pareho
"They looked like you Jalri" sabi niya sa akin
Pagka kita ko sa kambal iba yung Naramdaman ko...sobrang saya
Siguro lalo na si Evah
"I love you Evah... I love you" sabi ko
Hinalikan ko siya sa labi
"I love you too Jalri... I promise papakasalan na kita...
Papakasalan na kita" sabi niya#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try

BINABASA MO ANG
The Falling Trap(Montes Series #7)
Aktuelle LiteraturEvah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humingi ng isang pabor ang Boss niya na pinagkakautangan niya ng lahat Isang pabor na hindi niya pwedeng...