Jalri's POVNine months later...
"Hello ano manganganak na ba siya!" Sigaw ko sa phone ko
"Ano Kuya!!! Okay na ba siya...yung baby lumabas na ba!"
Nagmamadali akong naglalakad papuntang sa Emergency Room
May dala dala akong isang set ng baby wipes
Diapers at kung ano ano pa inutusan kasi ako ni Kuya Zachie na bumili nun para handa na ang lahat kung sakaling manganak na si Ate Querika sa second baby nila
Hanggang ngayon kasi naglelabor pa rin si Ate Querika ngayon at Si Kuya Zachie kinakabahan sa buong gabi na yun
Mukha na nga siyang stress at di magkandaugaga na umikot ikot sa labas ng Emergency room kung saan nandun si Ate Querika
"Kuya!" Sigaw ko sa kanya kasama na pala niya sina Rhee Anh at Kuya Rein dun bakit inutusan pa niya ako anong trip ba niya
Lumapit sa akin si Rhee Anh at kinuha yung pinamili ko
"Hay naku hindi sasagot iyang si Zachie ngayon kasi mukhang paranoid na ...manganganak na kasi si Querika sabi kasi nung doctor kaunti na lang at baka manganak na si Querika kaya kahit Anong tawag mo walang makikinig sa iyo" sabi niya
Lumapit ako sa kanila at hinihintay yung panganganak ni ate Querika
Nakaupo lang ako dun at umiinom ng kape masyado kasi silang kabahan ni hindi nga ako kinakabahan para Kay ate Querika tapos sila namumutla na
Kung manganganak siya edi masaya may madadagdag ulit sa pamilya Montes
Lumabas na yung doctor at nakangiting binati si Kuya Zachie
"Congratulations sir its a girl" sabi nung doctor si ate Fei pinsan namin siya ang nakatoka Kay ate Querika dahil mas mapagkakatiwalaan namin siya kaysa sa iba
Nagmadali naman na pumasok si Kuya Zachie sa loob ng Room at kami naiwan na sa labas
"Haaay Rhee Anh asawa ko akala ko kung ano nang mangyayari Kay Zachie kanina sa sobrang kaba...akala ko kung ano na yung itinawag niya sa akin kanina" sabi ni Kuya Rein na para bang nabunutan ng tinik at niyakap si Rhee Anh sabay halik pa dito
Nasa harapan nila ako habang ginagawa yun anong trip nila manginggit hindi ba sila nahihiya sa akin
"Kuya alis muna ako alam niyo bang nagising ako nang maaga nung tawagan ako bigla ni Kuya Zachie tapos heto ang laki na nang eyebags ko pwede ba na magpahinga naman ako" sabi ko
Tumango naman si kuya habang ayun yakap yakap pa rin yung asawa niya siguro kung nilalanggam lang ang kalandian nilang dalawa pinutakti na sila
Parang hindi sila marunong makiramdam na may single at heartbroken sa harapan nila
Nine months nine months na rin ang lumipas simula nang umalis siya si Evah
Wala akong balita sa kanya...si Daddy hindi niya ako kinakausap kaya hindi ko rin siya matanong kung nasaan si Evah
Nag hired na ako ng private investigator at pinapahanap siya pero wala ...wala pa ring halaga hanggang ngayon
Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya
Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Ate Fei
Ngumiti siya at pagkalagpas ko sa kanya ay tinawag niya ako
"Jalri!" Sigaw niya
Napalingon ako sa kanya nun
"Bakit ate?" Tanong ko
"Pwede ba kitang makausap?kahit konting oras lang may sasabihin lang ako sa iyo" sabi niya sa akin kaya sumama ako sa kanya sa loob ng opisina niya
Umupo ako dun at makikita sa loob ng opisina niya yung lahat ng pictures tungkol sa mga baby at sa mga babae
Ob-gyne kasi siya kaya ganun
Habang nililibot libot ko ang mata ko dun ay nakita ko yung ultrasound pictures na nakaposts dun
Nilapitan ko yun at isa isang tiningnan parang halos lahat ng nakadikit sa pader niya ay ultrasound results ng mga Montes
Simula Kay baby Aero hanggang sa bagong panganak na baby ni kuya Zachie
Habang tinitingnan ko isa isa yun ay nakita ko yung ultrasound picture na hindi pa masyadong kita yung baby dahil three months lang yun
At nakapangalan yun Kay Evah tinitigan ko yun nang maigi di ko alam na nagpunta pala siya dito para magpa ultrasound nun
Para akong naluluha nung makita ko yun yun kasi ang tinuturing ko na unang larawan nang baby namin na binawi rin
Hanggang ngayon nasa puso at isipan ko pa rin si Evah pinagdarasal na isang araw makita ko siya na sana magkita kaming dalawa
Lumabas na si Ate Fei at may iniabot na folder sa akin
"Para saan ito ate?" Tanong ko
Ngumiti siya
"Si Evah umalis siya di ba siyam na buwan na ang nakakalipas...well hindi ba niya nasabi sa iyo yung tungkol dito?" Tanong niya
"Tungkol saan ba ito?" Takang tanong ko
Ngumiti si Ate Fei at parang malungkot rin siya
"Ito results nung nag pa check up siya sa akin nun...well Jalri si Evah kaunti na lang ang pag asa niyang magkababy ulit nang dahil yun sa miscarriage na naranasan niya
40% yun na lang ang pag asa niya base sa resulta pero parang nung nalaman niya yata yun nawalan siya nang pag asa
Hindi ba niya nasabi sa iyo ito Jalri?" Tanong ni Ate Fei sa akin
"Hindi...kahit kailan hindi! siguro ito yung dahilan kung bakit siya umalis tama ba ako ate?hindi naman siya aalis kung hindi dahil dito di ba?" Sabi ko habang tumutulo yung luha ko
"Hindi ko alam Jalri baka akala niya wala na siyang kwenta...pero may pag asa pa naman ...hindi naman nawawala yun...Jalri si Evah may pag asa pa siya ....basta tulungan mo siya kung sakaling magkita kayo...sana malaman niya yun" sabi niya
Ngayon alam ko na kung bakit umalis siya...
Sobra pala niyang kinimkim yun ni hindi ko alam na sobrang sakit pala nang nararamdaman niya
Siguro akala niya wala na siyang silbi pero mahal ko siya kaya ko siyang mahalin kahit ganun
Evah sana bumalik ka na
Sana...
#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try

BINABASA MO ANG
The Falling Trap(Montes Series #7)
Fiksi UmumEvah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humingi ng isang pabor ang Boss niya na pinagkakautangan niya ng lahat Isang pabor na hindi niya pwedeng...