Jalri's POV"Evah pakasal na tayo...pakasal na tayo Evah " sabi ko Kay Evah habang magkatabi kami sa may couch
Nakapatong yung ulo ko sa may balikat niya at mahigpit na hinahawakan yung kamay niya na suot suot yung singsing na bigay ko dati
"Jalri ...busy pa tayo siguro may tamang oras sa pagpapakasal kita mo ngayon lang tayo nakapagpahinga galing sa event natin"
Hinawakan niya yung mukha ko
" Malay mo next year pwede na hindi ba napirmahan na natin yung lahat ng contract at hindi natin yun
pwedeng I cancel"sabi niya sabay halik sa pisngi koFour months...Four months na akong paulit ulit nanagsasabi sa kanya ng kasal
Kasal na gustong gusto ko mangyari na
Akala ba ni Evah na okay lang sa akin na fiance ko lang siya kahit na magkasama na kami ngayon na nakatira sa bahay na binili ko para sa amin mas gusto ko pa rin ng kasal
Sumimangot ako at bumalik sa pagkakasandal sa balikat niya
"Pero Evah ...kailan mo gustong magpakasal?
Kung kailan matanda na tayo?
Pwede naman kasi natin pagsabayin yung kasal at yung papapatuloy sa trabaho" sabi ko sabay
buntonghininga ko"Kasi complicated nga Jalri... Ah basta di natin ma enjoy yung kasal natin kung kinabukasan nun may schedule tayo mag isip ka nga Jalri
May next time pa sa pagpapakasal ...may next time pa" sabi niya at ako mas hinigpitan yung pagkakayakap sa kanya
Si Evah parang ayaw Talagang magpakasal sa akin
Bumitaw siya sa pagkakayakap ko sa kanya at tumayo
"Okay jalri may kukunin lang ako sa kusina para kasing gutom ako" sabi niya
....
Ilang minuto kong hinihintay si Evah na lumabas ng kusina pero parang naririnig ko na may maingay na tunog kaya tumayo ako at dumiretso sa kusina
Nakita ko si Evah na inilabas lahat ng laman ng refrigerator at parang may hinahanap
"Evah may problema ba bakit halos ilabas mo na yata lahat ng laman diyan?" Tanong ko
Tumingin siya sa akin na parang naiirita
"Jalri nakita mo ba yung vanilla cupcakes ko dito?nandito ko lang yun inilagay sa may gilid ,nung isang araw. special order ko pa naman yun na gawa mismo ni Ninang" saad niya
Vanilla Cupcake?Bakit niya hinahanap yun
"Ah !Evah nakita ko kasi na medyo malamig na masyado yun kaya itinapon ko na ...
Akala ko kasi wala ng kakain kaya ayun itinapon ko hindi mo naman yun paborito di ba?atsaka ayaw mo nung lasa ng vanilla flavor kaya ayun itinapon ko kahapon
Biglang nag iba yung mood ni Evah
" Itinapon mo?! bakit hindi mo ako tinanong Jalri... Alam mo ba na gustong gusto ko yung kainin kaso mas gusto ko yung malamig tapos ngayon malalaman ko itinapon mo"sabi niya at mukhang naiirita na
"Ano ba naman ito Jalri palibhasa walang halaga sa iyo yung mga ganun itinatapon mo na lang kasi kapag di mo na kailangan" sabi pa niyaLumapit ako at niyakap siya mula sa likuran
"Evah pwede naman na bumili ulit nun o kaya magpapagawa ako Kay Mama nun tutal sa kanya mo naman nakuha yun di ba?" Pang aalo ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Falling Trap(Montes Series #7)
General FictionEvah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humingi ng isang pabor ang Boss niya na pinagkakautangan niya ng lahat Isang pabor na hindi niya pwedeng...