Jalri's POV
"Haaay wala bang ibang songs dito sa phone na maganda ganda nakakaboring naman kasi" bulong ko sa sarili ko
Medyo gabi na rin at buong maghapon ay ayun nagpayabangan lang sila Kuya sa mga sarili nila
Kaya ako umuwi na lang muna sa unit ko para humiga na lang at makinig ng kanta pero bad trip wala man lang akong mapili ni isa
Nakasalampak na lang ako sa may couch habang nanonood ng movie
Siguro dito ko na lang ibubuhos yung oras ko hanggang sa antukin na ako
"Haaay si Evah ...sana kasama ko siya ngayon
Nababagot ako sobrang bagot" bulong ko
Pero nagulat ako nang may maramdaman ako na nagsalita mula sa likuran ko at bumulong
"Jalri I'm here..." Sabi niya yung boses niya boses ni Evah pero no nag iilusyon lang ako at namamalikmata
Minsan nababaliw na lang talaga
Kaya Ipinagpatuloy ko ang panonood ng movie
"Jalri hallucinations mo lang ito si Evah kasama Nina ate XesiaAt higit sa lahat busy sila sa bonding nila ngayon kaya cool ka lang kung nararamdaman mong miss mo na siya pwes tama ka miss mo na siya pero ang hallucinations tama na sobra na yun!" sabi ko habang kinakausap ang sarili ko pero nabigla ako ng may biglang humarap sa akin at pinatay ang TV gamit ang hawak kong remote
At nasa harapan ko ngayon si Evah
Si Evah nga ba ito o joke lang
Sinampal sampal ko yung mukha ko at kinurot ang braso ko
"Jalri nananaginip ka lang" sabi ko pa
Pero nagulat ako ng bigla akong binatukan ni Evah
"Hoy lalaki to too ito ano ka ba nakaupo na nga ako sa binti mo lahat lahat nananaginip ka pa rin
Gumising ka nga diyan ako ito yung girlfriend mo si Evah!" Sigaw niya
Medyo natauhan ako na totoo nga si Evah nga ito
"Teka akala ko kasama mo sina ate Xesia?" Tanong ko
"Ah kanina pa kami umuwi buong maghapon kasi sila ang kasama ko di ba?atsaka nung napagod kami heto inihatid niya ako dito sa unit mo imbes sa bahay mo kaya ganito dito na ako dumiretso" sabi niya pa
Bigla naman. akong natawa sa sinabi niya
"Atsaka binilhan naman niya ako ng damit na gagamitin ko bukas kaya okay na rin" singit pa niya
Hinawakan ko naman yung mukha ni Evah
"Evah pakiss nga namiss kita" sabi ko sa kanyaKaya hayun hinalikan ako ang sweet niya talaga
"Hmmm ayan solve ka na ba Jalri anong oras na? kumain ka na ba?" Tanong niya
"Oo kanina nung kasama ko sina Kuya dumiretso kami sa Resto Nina Kuya Rein at si Kuya Zachie ang nagluto
Bakit Evah gutom ka ba ?gusto mo bang magpadeliver ako?" Tanong ko"Hindi busog na rin ako... pa shower na lang muna tapos matulog na tayo...Jalri"sabi niya
Bigla naman akong na excite na sabay kami matutulog ni Evah
Maganda siguro ang mood niya
*******
Nakahiga kami ngayon at nakayakap si Evah sa akin habang nagkukwentuhan tungkol sa ginawa nila kanina hindi ko inaasahan na kasama pala nila si Vhian kanina
" Jalri si Vhian anong klaseng girlfriend siya sa iyo? "sabi niya
Nagulat ako ng tinanong niya ako ng ganun
" Bakit naman ?Evah iba na lang I tanong mo please "sabi ko
" Gusto ko lang itanong para malaman ko kung gaano siya ka sweet sa iyo...at kung bakit mo siya minahal malay mo pwede kong gawin yun para naman masabi ko na perfect ako sa iyo"sabi niya
Bakit ba niya itinatanong ito? gusto ba niyang I compare yung sarili niya Kay Vhian?
"Evah kahit gaano pa siya ka sweet ...o ano pa man sa akin dati...hindi na siya yung mahal ko
At higit sa lahat hindi kayo magkaparehas magkaiba kayo ng sobra
Pero ang mahalaga ngayon mahal na mahal kita
At iyon ang pinakamalaking lamang mo sa kanya kaya huwag mo na ngang isipin yung mga ganyan" sabi koHanggang sa may bigla siyang nai tanong sa akin
" Jalri paano kung may nagawa akong isang kasalanan sa iyo magagalit ka ba?yung tipong dahil nagalit ako sa iyo kaya ko nagawa yun sabihin mo Jalri anong magiging reaksyon mo?"tanong niya na ikinataka ko
Ano naman kaya yun
"Kasalanan ?wala ka namang kasalanan sa akin Evah ako nga ang may kasalanan sa iyo pero sana kung sakali nga na meron
Sabihin mo agad sa akin kasi...mas masakit na ako pa ang unang makaalam nun" sabi ko sa kanya
Humarap siya at ngumiti sa akin
"Hmmm so magagalit ka nga sige na magalit ka na lang sa akin...ganyan ka naman di ba ?"sabi niya
Bigla kong idinagan ang katawan ko sa kanya at kiniliti siya
" Ano ba kasi yun?ikaw Evah may secret ka ba ?ano naman ang secret mo sabihin mo!"sabi ko habang kinikiliti siya at tawa ng tawa
"Hahaha ...wala !atsaka tumigil ka na nga diyan ang sakit na ng Tiyan ko sa iyo" sabi niya
Bigla ko naman siyang niyakap
"Alam mo Evah kahit ano pa yun...kahit gaano kalaki yung kasalanan mo pakiramdam ko tanggap ko yun kasi mahal kita...mahal na mahal" sabi ko
Hinalikan naman niya yung labi ko
"Salamat ...pero sana nga mapatawad mo ako Jalri ...sana
Kasi mahal na kita...huwag mong babawiin yung pagmamahal mo sa akin Jalri
Ipangako mo iyan ....I love you"
#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try
![](https://img.wattpad.com/cover/161381517-288-k86456.jpg)
BINABASA MO ANG
The Falling Trap(Montes Series #7)
Ficción GeneralEvah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humingi ng isang pabor ang Boss niya na pinagkakautangan niya ng lahat Isang pabor na hindi niya pwedeng...