Jalri's POV"Oh Jalri kamusta na kayo ni Evah ...parang nababalita na naman kayo sa TV ngayon na laging magkasama ...teka nagkabalikan na ba kayo?" Tanong ni Kuya Jannie sa akin habang umiinom ako ng kape sa coffee shop niya kung saan magkakasama kaming pito
"Bakit kuya Naghiwalay ba kami?" sagit ko
Kaya biglang humalakhak ng tawa si Kuya Celdrick "Boom sapul na sapul ka Kuya Jannie... Hindi naman pala sila naghiwalay" sigaw niya
"Subukan mo lang gumawa ulit Celdrick lilipad ka palabas ng coffee shop ko subukan mo lang" Sabi ni Kuya Jannie na mukhang naiinis
"Oh edi ikakasal na kayo niyan di ba di naman kayo naghiwalay
Tuloy niyo na yung kasal niyo" sabi ni Kuya Rein sa akin
Humigop ako ng kape at umupo ng maayos
"Itutuloy naman namin yung kasal namin di ko lang natatanong ulit si Evah ...pero ako desidido na sa desisyon ko ayaw man niya o hindi magpapakasal na kami" sabi ko
"Wow may paninindigan" saad ni kuya Aizel
"Oo naman at higit sa lahat hindi ko na papakawalan pa si Evah...
Akin na siya ngayon...
Mine alone" sabi ko
Bigla naman sumingit si kuya Keldrick sa usapan
"Maiba nga tayo ng topic Jalri... Si Serene naitanong mo ba kung nasaan siya?" Tanong ni Kuya Keldrick sa akin
Tama si Somia...siya nga si Serene...nalaman namin yun nung araw na umalis si Evah papuntang Paris
Sumunod siya sa bahay nun
~Flashback~
Nag iinuman kaming pito nun sa may living room ng mansion
Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko nun dahil sa pag alis ni Evah at iyak ako ng iyak sa kanila
"Okay lang iyan Jalri... Malay mo one day biglang dumating si Evah dito at yakapin ka tapos magkakabalikan na kayo" pang aalo sa akin ni kuya Zachie
Pero habang nagdadrama ako sa harapan nila ay may biglang sumigaw
"Jalri!!!nasaan si Jalri Vrent Montes yung artistang hinayaan umalis yung bestfriend ko...hoy Gago magpakita ka si Evah umalis siya hindi mo ba siya hahanapin!!!" Sigaw ng boses na dumiretso kung saan kami nandun lahat
Pagkaangat ko ng ulo ko nakita ko si Somia galit na galit at parang gusto akong suntukin
Nagsisigaw siya at hinawakan ang kwelyo ng damit ko
"Hoy ikaw ano na !Magsalita ka!!!" Sigaw niya
"Hoy miss tama na iyan!" Sigaw ni kuya Celdrick Kay Somia
Pero di namin inaasahan ng biglang nagsalita si Kuya Jannie
"Serene!!!serene ikaw nga nandito ka na bumalik ka !!!serene" sabi ni Kuya at biglang niyakap si Somia
"Aaaaah !!!bumitaw ka !hoy jalri sinong Serene peste na !bitawan mo ako hindi ako yung Serene na hinahanap mo!!!hoy Jalri tulungan mo nga ako !!!bitaw na bilis" sabi ni Somia habang pilit na bumibitaw sa pagkakayakap ni Kuya Jannie na parang reunited silang dalawa
Nagulat din sila sa ginawa ni Kuya Jannie
Si Somia siya si Serene... Paanong nangyari yun
"Kuya paranoid ka lang dahil siguro sa tama ng alak na nainom mo hindi siya si Serene kaibigan siya ni Evah
BINABASA MO ANG
The Falling Trap(Montes Series #7)
General FictionEvah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humingi ng isang pabor ang Boss niya na pinagkakautangan niya ng lahat Isang pabor na hindi niya pwedeng...