Evah's POV
Kinuha ko Ang lipbalm ko at inilagay sa labi ko
Atsaka pinacurl ko ng kaunti Kay Somia ang bandang baba ng buhok ko
Inayusan din niya ang mukha ko
Hindi naman kasi sa di ko hilig ang make up di lang kasi ako sanay sa sobrang pag tingin ko sa mukha
Simple lang ang tipo ko sa pag aayos
Yung di masyadong papansin
Sabi nila may pagka artistahin ang mukha ko kapag naka make up
Hmmmp mga mambobola lang naman ang nagsasabi nun lalo na ang dalawa kong best friend na sina Vernon at Celdrick na parehong bastos at babaero
Di ko alam kung bakit sila pa ang nakasundo ko pwede naman si Sir Zachie enebeyen...
Although si Sir Jannie naging malapit siya sa akin pero ng dahil lang sa trabaho yun
"Haiish" buntong hininga ko
Nagulat naman ako ng may tumapik sa likuran ko...si Somia lang pala
"Ano babae ano iyang binubuntunghininga mo lakas din ng tama mo kita mo ang Ganda mo na mas gumanda ka pa" sabi niya habang nakaharap kami sa salamin
Tumayo ako at tiningnan ang kabuuan ko
Nakasuot ako ng lacy dress na medyo revealing ang loob
Kulay white yun
Isinuot ko na rin ang stiletto na kulay black
"Ganda naman ng babaeng ito mamaya niyan umagahin ka dun kasi may mang aya sa iyo na i join ka sa unit nila ng buong magdamag" sabat niya
Hinila ko yung buhok niya
"Sige !sige lang Somia ipagpatuloy mo iyang kabastusan mo" sabi ko
Tapos tawa pa ng tawa ang gagita siguro wala itong gagawin ngayon kaya nantrip na naman
"Wala ka bang pagtutuunan ng kabaliwan mo diyan babae?" Tanong ko
Umupo nama siya at humiga sa kama
"Wala pa beh pero bukas ng gabi mag shoshoot kami ng commercial under the moonlight ang peg nun at alam mo ba kung sino ang artista na ibibida dun?" Sabi niya
Napalingon ako
"Sino naman yun?" Tanong ko
Kumuha siyang chips at kinain yun
"Si Vhian at Edriven ...ngayon makikita ko kung gaano sila kawalang kwenta magpartner...oops sorry matabil kasi dila ko beh nangangati kapag di nakakapang lait" sabi niya
Inihiga niya ang likuran niya ng mabuti at ipinatong ang unan sa ulo niya
"Beh kwento ka ha kung anong nangyari after party mo naku iba ka na talaga sa Montes empire family party ka pa nakapunta beh maraming mga mayayaman ang pupunta dun may makikilala ka talaga !!! " sabi niya
Tumayo ako at inaayos na ang gamit ko
"Tumahimik ka na nga diyan tigilan mo ako!" Sigaw ko sa kanya
******
Pagkarating namin ni Mr Frank Montes sa party venue ay sinalubong agad sa amin si Ninang Rita
Nakasuot siya ng pulang gown na katerno sa suot ni Ninong na pulang suit
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso ni Ninong at yumakap Kay Ninang Rita
"Naku hija akala ko di ka na.pupunta halika nandun na silang lahat ikaw na nga lang ang hinihintay ko" sabi niya sa akin
...
BINABASA MO ANG
The Falling Trap(Montes Series #7)
Ficción GeneralEvah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humingi ng isang pabor ang Boss niya na pinagkakautangan niya ng lahat Isang pabor na hindi niya pwedeng...