CHAPTER #3 IMPOSSIBLE

32 2 0
                                    

Kung sa paningin mo ang bobo mo o ang tanga mo sige lang pero tandaan mo paningin molang yan kaya mong baguhin yan kung ikaw mismo ang nag titiwala sa sarili mo. BE POSITIVE!

~•••••••••••~

Kanina pako nag hihintay dito ang sabi nila may kukunin lang sila sa room third floor pa naman yon.

Nandito kase ako sa gate at nag hihintay sa kanila, uwian narin namin kaya ang mga istudyante ay nakakalat ang iba nasa court meron ding umuuwi na dahil may mga service at ako..ito nakatunganga at hirap na hirap mag dala nang books.

"Uy! Ellianha?"napatingin ako kay wesley kaklase ko sya.

"Bakit?"kunot noo kong tanong tyaka minsan lang kung kibuin ako nyan himala lang at tinawag nya ako.

"Pinapatawag kani shana nasa taas sila sunod ka nalang daw."ha? Bakit kaya?

"Ah sige salamat."at mabilis na ngumiti ano kayang problema nang babae nayon?

Aakyat na sana ako nang hagdan pero nandito nanaman sya! Bakit ba naiilang ako sa kanya? Siguro dahil gwapo? At nakakahiya yung ityura ko?

"Nauna na siguro yon, lagi namang nag mamadaling umuwi yon."rinig kong sambit ni Mr.messyhair sa kasama nyang si eh? Hindi ko kilala basta seryoso yung mukha nya at sa pag kakatanda ko SILANG DALAWA YUNG NAKASALUBONG KO SA HAGDAN!

Nakatalikod ako hanggang sa nakababa na sila, napabuntong hininga naman ako bakit ba lagi kong nakakasalubong yon?

"Oh? Kala koba pinatatawag nyo ko?"tanong ko sa dalawang babaitang ito nang makasalubong ko sa hagdan.

"Ellianha bakit ngayon kalang?"tanong ni vaneza.

"Bakit ba kase?"tanong ko at bumaba ulit pinahihirapan lang ata ako nang dalawang to eh!

"Papakilala ka sana namin kaso ang kupad kupad mo."napataas ako nang kilay.

"At kanino naman?"tanong ko kagad naman sumagot si shana.

"Ede yung bagong transfer kaso yung isa nakaalis na kaya yung dalawa nalang sana kaso umalis narin ang bagal mo e."ano!? Ayoko nga!

"Ano!? Bakit close ba kayo ha? Ha?"tanong ko bakit naman nila ako papakilala? Close naba sila? Friend na agad?

"Gaga! Syempre kaya nga ipapakilala ka namin para may alam ka manlang sa mundo isa pa mabait sila promise! Nakakatuwa ngang kasama si venedic eh, kaso si berrnish hindi masyadong kumikibo."ang sarap batukan nang magnoliang to! teka? Ibig sabihin...

"Teka? Yung berrnish ba yun bayung seryoso? Tapos yung messy hair ay yung v-venedic?"nanlaki naman yung mga mata nila...OA!

"Oo, oo! Nakita mona? Ikaw ha! Hindi mo sinasabi!"tatanggalan ko talaga nang dila to ang ingay ingay.

"Shana ang ingay mo."sabay hampas ni vaneza.

"My ghod! My back!"angal nya.

"O-oo actually, lagi ko silang nakakasalubong kaya pala hindi pamilyar kase sila yung transfer."sabi ko.

"If I know, lahat naman sayo ay hindi pamilyar dahil kami lang ang lagi mong kasama."maarteng banggit ni vaneza kaya naman napairap ako.

IMPOSSIBLE: OFFICIAL #TEEN FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon