Chapter #63 IMPOSSIBLE

4 1 0
                                    

Nagising akong hindi maikilos ang kamay ko, basang basa din ako nang tubig pero pag dilat ko wala naman akong makita kung hindi dilim, sobrang dilim.

"H-help! Help!" Sigaw ko pero kunot noo akong napatingin sa gilid ko nang may umungot doon na parang bagong gising lang din.

"Someone here!?" Sigaw ko ulit pero sa pag kakataong to hindi lang isa ang naririnig kong umungot.

"Ajskskenzk" hindi ko maintindihan ang sinasabi nya kaya naman wala ako magawa kung hindi mag likot sa upuan ko para matanggal tong tali ko pero nang hawakan ko hindi sya tali teka...bakal!? Napangiwi din ako sa sakit nang kamay ko.

Bigla namang bumukas ang ilaw pero hindi pa nag aadjust ang paningin ko kaya masilaw silaw pako, nang maayos na ang paningin ko dalian akong tumingin sa paligid napanganga ako dahil sa nakikita ko.

No! Hindi pwede to! Hindi pwede! Hindi kona mapigilang maluha dahil lagot na kaming lahat ngayon, wala nakong magagawa dahil nakagapos ako.

"Askxhaldk!" Napayuko ako dahil hindi lang pala ako ang makagapos dito nandito din silang lahat, naka gapos sila vaneza, shana, berrnish, venedic, lilean.

"B-bakit kayo nandito!? Huh!? Bakit!?"nag wawala nako ramdam ko narin ang pananakit nang kamay ko dahil sa sobrang higpit nang pag kakagapos saken at yung pilay kong gawa ni arra kanina.

"Handzkandk!" Napailing nalang ako dahil mga nakatakip ang mga bibig nila tinignan ko sila isa isa at naiiyak na napayuko pero kaagad din akong napaangat nang ulo dahil parang may kulang..

"Si zyriile! Oo tama n-nasaan si zyrille!?"sigaw na tanong ko sa kanila pero dahil nga nakatakip yung mga bibig nila wala akong makausap.

"Nasaan sya!? Shit!" Nag wawala na talaga ako dahil hindi kona alam ang gagawin ko.

"Here is he~" napatigil kami dahil sa boses na narinig namin pero sa speaker lang iyon na nakalagay sa mag kabilang side namin, malaki ang kwarto sobrang lawak kaya ang laki parin nang space kahit madami na kami dito.

"N-nasan sya!? Monica wag kang duwag! Mag pakita ka hinahamon kita! May usapan tayo at ginawa koyon lumayo ako sa kanina wala ka talagang kwentang kausap walang isa saita!"sigaw ko hindi ako tumigil sa pag sigaw hanggang sa bumukas yung pinto.

Niluwa nito si zyrille na puro pasa napaluhod to dahil sa pag kakatulak sa kanya nang tauhan ni monica, lima sila pero ang lalaki nila para silang mga bouncer ang lalaki nang katawan.

"E-elliahna."tumingin sya saken nang nakangiti pero parang nang hihina na, naiiyak ko syang tinignan.

"Ano ba! A-ano ba lumaban kanga hindi ka pwedeng gumanyan, hindi pwede kaya lumaban ka!"naiiling kong sigaw habang umiiyak.

At hindi pa natatapos ang lahat bumukas muli ang pinto pero mas lalo akong napahagulgol at nag wala dahil sa ityura nang mga magulang ko, bugbog na bugbog ang papa ko ni wala silang malay nang ipasok sila dito.

"P-pa!? Pa gumising ka dyan!" Sigaw ko sa sigaw ko binuhos lahat nang galit ko ni hindi kona napansin ang iba dahil nakatuon sa tatlo ang atensyon ko.

"Zyrille please tumayo ka dyan iligtas mo sila please!"sigaw ko habang nahihikbi na sa sobrang pag iyak ni wala akong magawa kung hindi sumigaw.

"Ang saya diba elliahna? Alam mo may laro ako~" narinig ko nanaman ang mala demonyo nyang boses sa speaker.

"Timigil kana! Baliw kana!" Sigaw ni zyrille ni hindi nako makapag salita dahil sa pag hikbi.

IMPOSSIBLE: OFFICIAL #TEEN FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon