Chapter #51 IMPOSSIBLE

9 1 0
                                    

Napatingin ako doon at nakita sila vaneza at shana na ngayon ay hindi alam ang gagawin tumakbo ako doon at niyakap sila.

Ilang minuto din yon pero bumitaw din ako at tumikhim, kita ko ang gulat nila kaya naman hindi ko maiwasang magulat din sa ginawa.

"S-sorry." Sambit ko at nilingon nag bahay namin kita ko ang basag nang salamin namin at ang pinto naming halatang pilit na binuksan pati narin ang iilang gamit na magulo kita ko mula dito sa labas.

"What happened!?" Rinig ko ang hingal na hingal na boses ni berrnish.

"Akala koba umuwi kana?" Lingon ko habang hindi maipinta ang mukhang nakatago.

"M-mag kasama kayo?" Tanong ni vaneza at tinignan si berrnish nang seryoso...anong meron sa kanila?

"Nag kataon lang." sambit ko pero isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay vaneza, gulat na gulat akong napahawak don.

Natanggal ang sumbrelo ko dahil sa lakas non dahilan para lumipad ang buhok kong hindi ko manlang naayos, nanatiling nakatagilid ang ulo ko dahil doon.

"Wala kang kwenta! Napaka makasarili mo talaga! Hindi mo manlang naisip si lola ha!? Kita monang matanda na sya tapos iiwan mosyang mag isa!? Hindi kaba nag iisip! Pano kung napano sya ha!? Tapos ikaw makikipag ki-, I-i mean hindi mo manlang inisip si lola lalo na sa sitwasyon mo ngayon!" Hindi ako makapaniwala kay vaneza habang sinasabi nya yon ni hindi ko matanggap na nasampal nya ako at tyaka nakipag kita? Kanino kay berrnish?

Tyaka walang kwenta? Kung alam lang nila kung anong hirap ko ngayon! Kung anong stress ang dumadating saken araw araw kung anong problema ang meron ako! Ni hindi ako makapag ayos nang sarili dahil sa pag aayos ko nang mga files para mahuli si monica na syang kinakampihan nila ngayon! Kung alam lang nila kung pwede lang sana! Sana matagal konang sinabi pero hindi pwede ang imposible lang kase na hindi sila madadamay.

"Walang kwenta?" Sabay harap ko sa kanila kita ko ang luhang pumapatak sa mata nya lalo na nang makita nya ako o talagang nag assume nanaman akong nag aalala sila?

"O-oo!" Matapang na sagot ni vaneza habang nakatingin lang saakin si shana napatalikod ako dahilan para makita ko si berrnish, napatawa ako sa reaksyon nila.

"Mukha naba akong zombie? Sana nga zombie nalang ako para naman hindi masakit dito." Sambit ko at hinawakan ang damit kong nakapantay sa puso ko sabay ngiti kay berrnish at humarap kayla vaneza.

"Lintik naman kaseng kamalasan to! Sinalo kona lahat! Wag kayong mag alala tanggap ko namang wala akong kwenta kase sabi nyo eh, we're best friends kaya maniniwala ako, sorry ha?" Sambit ko at umaarte na masaya kahit na umiiyak na ako at kita naman saking ang sakit sakit nang mga sinabi nila.

Walang nag salita samin kaya naman tumalikod nako at bago lagpasan si berrnish ay may sinabi muna ako.

"Favor naman kahit ito nalang...ihatid mo sila siguraduhin mong ligtas kayo ha? Salamat." Sambit ko at bahagyang tinapik ang balikat nya bago ko sya lampasan ni hindi ko sila tinignan.

"Iniimbistigahan napo namin, mag hintay nalang po kayo." Sambit nang pulis na pinag tanungan ko, nag pa salamat nalang ako.

It's already 2:30 am at hanggang ngayon ay gising pako at nag aayos nang mga gamit na nabasag at mukhang hinalungkat talaga, basag ang bintana sa kwarto ko at kalat kalat din ang mga gamit ko pati narin ang mga cabinet at ang ilang pinto ay sira nadin.

Pero hindi ako naniniwalang mag nanakaw ang pumasok dito kase halos lahat nang napansin ko ay yung mga gamit kolang ang nahalungkat.

IMPOSSIBLE: OFFICIAL #TEEN FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon