Chapter #31 IMPOSSIBLE

16 3 0
                                    

Nandito ako sa gym kung saan busy akong pinatatamaan ang mga karton na nasa harap ko, hanggang ngayon ay hirap parin ako dahil hindi naman ako totally na nag gaganto.

Nag focus ako sa karton na gumagalaw ang likot nito pero pilit kong pinag mamasdan ito para matamaan, nang hindi ko matamaan nang suntok ay ginamit ko ang paa ko para sipain ito kaya boom! Natamaan kosya.

"Nakukuha mona, magaling!"at pumalakpak sya kaya napangiti ako.

"Tito!"at masayang lumapit actually, hinihintay ko sya at dahil tinamad ako mag isa akong nag ensayo.

"Ellianha, The strong girl!"hindi nako nagulat nang ambahan nya ako nang mga kamao nya na naiwasan ko naman at tumambling para masipa ang kamay nya.

Nakarating kami sa gitna habang nag lalaban, kaagad nyang kinuha ang kamay ko at pinihit to patalikod sa likod ko pero kaagad akong nakatakas nang iuntog ko ang ulo ko sa panga nya kaya alam kong nangilo to na ikinahilo din nang ulo ko pero mabilis din akong naka-recover.

"Magaling ellianha!"hiningal sya agad siguro dahil sa laki nang katawan at may idad na sya pero infairness ang lakas parin nya dahil nahirapan akong makawala sa kanya kanina.

Kaagad syang lumapit at ihahampas sana sa tyan ko ang nakalapad nyang kamay nang mabilis akong gumilid at kinuha ang kamay nya para iipit yun sa kili kili ko at medyo tumalon para masipa ang pisgi nya kaya natuwad kaming dalawa.

habang nakaipit ang isa nyang kamay sa kili kili ko at nasa mukha nya ang isa kong paa, kaagad nyang kinalampag ang semento senyas na hindi na nya kaya, tumayo kami at napatawa nang matapos ang labanan.

"Great! Kahit papano mabilis kang matuto talagang desididong desidido ka."mangha nyang sambit na ikinapasalamat ko.

"Kaylangan tito, katulad ngayon.."kinwento ko ang tungkol sa mga kaybigan ko ni sya ay na hihiwagahan kung bakit galit na galit saken ang may kagagawan nang lahat nang to.

"Hindi ko alam kung may kasalanan ba ako sa kanya nalilito napo ako."ngumiti sya.

"Huwag kang malito kung kaya mo namang intindihin pero wag kang mag alala gumagawa narin ako nang paraan para makatulong sayo."kinuha ko ang kamay nya at umiyak sa tabi nya.

"Tito salamat, kahit ikaw tong hindi ko kadugo pero ikaw patong tumutulong saken pero wag kayong mag alala pag nakauwi naman ang papa ko sasabihin ko narin sa kanila ayoko lang naman na may mangyari sa kanila sa malayo kaya ayokong mag salita tungkol dito."sambit ko na ikinatango nya.

"I understand hija, Just call me if you need help you are my daughter too."

•••••••••••

Uwian na nang hapon at absent ako pero nandito parin ako sa school para hintayin sila shana baka kase mapano sila mahirap na, tutal kaya ko namang makipag laban kahit papano kaya kahit gantong bagay lang makapag pasalamat ako sa kanila.

"Ellianha!!"kaagad akong tumayo at tinapon ang iniinom kong shake dahil nandito naman na sila, niyakap ako ni shana habang naka-simangot naman si vaneza at...tsk! Kaylangan ba talagang lagi nilang kasama ang dalawang yan?

"Ellianha saan ka galing?"tanong ni venedic.

"Bakit hindi ka pumasok?"tanong naman ni berrnish na parang manenermon pakielam ba nila?

"Somewhere."maikli kong sambit naka-uniform parin kase ako.

"Let's go."aya ko kayla shana.

"Ellianha hindi kaba natatakot?"si vaneza naman ngayon na hindi ko malaman kung bakit ganyan ang tingin nya kumunot ang noo ko.

"Ellianha kaylan kaba makikinig samin? Mas matanda ako pero ni isang beses hindi moko pinakinggan kahit na kaligtasan mo naman yung iniisip ko."bumuntong hininga ako.

"Vaneza, wala namang nangyayare isa pa threat's lang lahat nangyon mga nananakot lang."sambit ko.

"Kaya pala muntik kanang mapahamak noong araw na hindi ka pumasok."napatigil ako pano nya nalaman yon?

"Yung araw na muntik kanang masagasaan or should I say sinadyang sagasaan."hindi ako nakasagot.

"Kung ganyan karin naman pala, mabuti pang sabihin kona kay tita para siguradong wala nang mangyare sayo."kinuha nya yung phone nya pero kaagad kong hinablot to.

"No! Alam moba kung ano yang sinasabi mo? Mapapahamak lang sila! Vaneza bakit ba ang hirap nyong kausapin!? Bakit pako nag papaka-pagod kung malalaman lang din pala nila?"naluluha nako dahil sa kaba.

"Ellianha tell me! Ano bayang pinag gagagawa mo!? Ha! Tuwing nakakausap ko si tita lagi syang matamlay lagi syang nag aalala sayo tapos ano? Kapag napahamak ka sa tingin mo anong mararamdaman nya!?"Binigay ko ang cellphone sa kanya.

"Bahala ka."at umalis na doon senyas na kapag ginawa nya yon, wala nakong pakeelam.

Nag lalakad nako pauwi pero isang lalake ang humawak sa braso ko at tinakpan ang bibig ko.

Pero bago kopa masinghot yon na lagi ko namang na papanood sa drama kaagad ko syang siniko at kinuha ang pag kakataong nakayuko sya dahil sa sakit nang tyan nya kaya siniko ko yung batok nya pababa kaya naman napahiga sya.

Pero bago kopa sya asbaran may dalawang kamay nang nauna saken at pilit na pinaaamin to.

"N-nanakawan kolang sya yun lang!"sambit nito nang duguan na ang ilong at putok na ang labi.

"Zyrille tama na!"at hinila ang braso nya dahil makahilata na ang lalaki at halatang hindi na kaya, papunta narin naman ang baranggay tanod tutal malayo pa ang mga pulis sa branggay muna sya.

"Anong sinabi nya sayo? Totoo bang ninanakawan kalang nya?"seryoso nitong sambit anong sasabihin ko?

"O-oo, itong k-kwintas ko ang kinukuha nya."pag sisinungaling ko tumingin sya saglit saken at sa kwintas sya napatitig.

Hindi kami nag salita nang ilang minuto kaya napatingin sya saken, nagkatinginan kami sa isa't isa pero mabilis din akong umiwas at tumingin sa ibang dereksyon.

"Kung ganon aalis nako."hindi manlang ako nakapag pa-salamat..at kahit kaylan hindi koman lang sya napasalamatan kahit nanung niligtas nya ako nung na lulunod ako, ang sama ko naman ata dahil inaaway kopa sya.

Nakita ko ang pag gewang nya habang nag lalakad kumunot yung noo ko kaya kaagad kosyang sinundan.

•••••••••
Sorry for no update's but anyway how's this chapter?

IMPOSSIBLE: OFFICIAL #TEEN FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon