Chapter #65 FINALE

11 2 0
                                    

(AFTER ONE YEAR AGO)

Para bang isang mahabang kwento ang nangyare sa buhay ko, hindi ko alam kung drama ba ito o ano pero masasabi kong walang imposible.

Siguro nga noong una ang imposible nang lahat pero akalain mong nalagpasan ko ang lahat nang yon?

"Eto kumain ka muna umuwi kana rin muna hija baka napapagod kana." Saad nang isang may edad na lalaki habang inaabot ang pagkain.

"Ayos lang ho, hindi naman po ako napapagod na bantayan sya kahit pa ho hindi ako matulog ayos lang." Natawa naman sya at maupo sa gilid ko.

"Pasensya na hija ha? Hindi ko naman talaga ginustong pag hiwalayin kayo natatakot lang ako nabaka dumating yung oras na pati sya kunin saken katulad nang nangyare sa mama nya."saad nya habang nakatingin sa anak nyang nakahilata sa harap namin at walang malay.

Hinawakan ko ang kamay ni zyrille at pinisil pisil yon, bakit ba kase ang tagal nyang gumising, comatose sya at nakaraan ang araw nayon hindi ko parin sya nakakausap nang maayos ni hindi korin masabi yung nararamdaman ko.

"Sorry tito kung pati ang anak nyo nadamay saken, pasensya napo kung lahat nang mahal nyo kinukuha ko."pilit kong ngiti hinimas nya ang likod ko and yes papa ni zyrille ang kausap ko ngayon dito, umuwi sya matapos malamang nabaril ang anak nya at comatose.

"Wala nakong magagawa dahil kahit anong pilit kong ilayo sya sa kapalaran nya ito at ito parin ang kapalaran nya, oh sya ayaw mo namang umuwi ipapadala ko nalang ang kaylangan mo pag uwi ko aalis na ako hija." Napapuntong hininga ako at tumango't ngumiti.

Nang mag isa nalang akong mag babantay dito hindi ko maiwasang maiyak at alalahanin ang nangyare noon at kung bakit makalatay sya dito sa hospital nang mahigit isang taon.

(FLASHBACK)

"You are safe now my princess." Napanganga ako at napaluha nang malamang hindi ako ang tinamaan nang bala kung hindi di zyrille.

"N-no! No! Please not now!" Saad ko at sabay kaming napahiga dahil narin sa hirap akong huminga.

"E-everything will be alright k-kahit wala nako." Nakuha panyang tumawa umiiyak akong umiling, hinawakan nya ang kamay ko at pagod na tumingin saken tumulo narin ang dugo sa labi nya,

"M-mahal kita-"hindi pako nakakapag salita nawalan na sya nang malay ni hindi ko rin nasabing hanggang ngayon sya parin yung taong gusto ko.

Bago ako mawalan nang malay pinilit kong tumingin sa likod nya kung nasan si monica pero saktong pag pikit ko kita ko ang pag tumba nya at pag talsik nang dugo galing sa bibig nya.

Nagising akong nahihirapang dumilat dahil sa liwanag na nakikita ko, nakakarinig din ako nang iyak.

"T-tita gising napo sya!" Pamilyar na boses kong dinig...shana sya nga mapangiti ako nang yakapin nya ako.

"Elliahna!!" Napangiti ako at tinulungan naman nila akong umupo pero pansin ang mga bemta at siga't pasa sa mga mukha't braso nila.

"Anak oh jusko po gising kana!" Niyakap ko si mama at naiyak ganon din si papa na humahagulgol pa napatawa tuloy ako pero natigil yon nang makitang hindi gaano kasaya ang mga mukha nila berrnish.

"Gising kana, kamusta pakiramdam mo?" Tanong nya saken pero pero iba parin talaga yung saya ni venedic dati kesa ngayon teka..

"Nasan si Zyrille?"tanong ko bigla naman akong kinabahan.

"Ay e-elliahna mag pahinga ka muna ang sabi nang doctor kaylangan mo daw munang mag pahinga bawal ang ma stress." Sambit ni shana pero hindi nakatakas ang luhang tumulo sa kanya.

IMPOSSIBLE: OFFICIAL #TEEN FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon