Chapter #54 IMPOSSIBLE

18 1 0
                                    

Isang linggo..isang linggo akong hindi pumasok, Isang linggo akong nag iisip isang linggo narin akong nag iisip kung ano gagawin ko ang dami kong nalaman kay manang selie sya yung matandang nakasama ko yung naging yaya ko noon, nalaman ko kung bakit ako nag ka amnesia lahat iyon nasabi nya pati narin ang relasyon namin ni zyrille nang mga bata pa kami hindi nabanggit ni manang yung buong nangyari kung bakit nag hiwalay sila papa at yung about sa kumpanya ang sabi lang nya ay..

"Wala ako sa posisyon hija para sabihin ang mga personal na problema nang mga magulang mo ang mabuti pa ay sila ang kausapin mo."

Oo hinanap ko sya nang apat na araw para lang sa letseng problemang to ni hindi ko makausap nang matino ang mga magulang ko kulang nalang ay mag bigti ako, pero naisip koparin naman ang mga magulang ko lalo na't nawawala rin ang kuya ko not totally nawawala wala lang kaming connection dahil lahat nang connection namin ay naputol pero ang alam ko ay nasa barko parin sya wala lang sanang nangyaring masama kase kung meron hindi kona kakayanin pa.

Nakahiga parin ako kahit na naka uniporme na ako parang wala akong ganang pumasok ngayon dahil sa sobrang pagod at pag iisip parang ayokong harapin si zyrille, simula ngayon parang lagi ko nalang sinisisi ang sarili ko kung bakit nangyari lahat nang to yung sa kumpanya ay hindi ko parin malaman ang totoong dahilan dahil hindi konga makausap si papa.

Ayokong harapin si monica lalo na't nag iinit nanaman ang dugo ko ayokong makapatay nang maaga at mas lalong ayokong may madamay sa init nang ulo ko.

Galit din ako sa mga kaibigan ko! Kung sana sinabi nila nang mas maaga ede sana alam kong may kalaban pala ako dahil lang kay zyrille pero sabagay baka hindi nila alam pero imposibleng hindi rin alam nila venedic dahil kaibigan sila ni zyrille alam kong may alam sila.

Isa pa...pano ko makukumpirma ang lahat kung galit din saken sila shana? Ano nang gagawin ko? Ngayon na kailangan ko sila, ngayon na alam konang may nakaraan ako ngayong kailangan ko yung mga nalalaman nila para makatulong pano na? Pano kung pati sila berrnish nagalit din saken? Si...zyrille? Hindi pa buo ang alaala ko kaya ayoko munang makaharap si zyrille.

Ilang oras din bago ako bumangon at pumasok sa school bago ako pumasok ay huminga muna ako actually 30mins. Nakong late at oo as in 30 minutes na dahil pinag isipan kopa kung papasok ako o hindi.

Kumatok ako sa pinto kung saan ang room ko at kung saan nandito ang mga taong iiwasan at ayaw kopang makita.

"You are late ms VENNICE!" Alam ko kaya nga ako nalang mag isa ang nandito sa labas e.

"Halata ba? Well, sorry if i'm late." Walang gana kong sagot.

"GET OUT!" Hindi pako nakakapasok get out agad?

"Hindi panga ako pumapasok." Sambit ko at tumalikod na sumigaw panga sya na narinig daw nya oh ede narinig nya.

Nandito lang ako sa labas at inaantay na matapos ang first period namin para akong tambay sa kalye dahil sa gusot kong uniporme at ang pangit na pag hawak ko sa bag ko pati narin ang simpleng pusod ko na halatang magulo hindi nanga ako nag pulbos at nag lagay nang kahit konting lip tint sa labi ko.

Sumilip ako sa bintana then I saw monica, nakangiti sya habang nakikipag usap kay zyrille parang may kung anong pamilyar na pakiramdam akong naramdaman humanda talaga saken ang babaeng to kung may relasyon ako kay zyrille ibig sabihin akin sya! At AKIN LANG!

Pero...bakit hindi nya alam? Bakit hindi nya ako matandaan? O talaga bang ayaw na nya saken? Sana naman bumalik nayung alala ko para malaman ko kung ano talaga ang nangyare sa aksidenteng yon.

Ilang minuto pakong nakatayo doon nang lumabas na ang teacher namin at binalaan pako na pangalawang warning kona iyon at dahil wala saken yon deretyo lang ang pasok ko at padambang umupo dahilan kung bakit malakas na tunong ang nagawa ko sa buong room.

Seryoso at nakakapatay kong tinitigan si monica yung mismong nakatitig ako habang sya ay masayang nakangisi well sulitin nanya humanda sya saken mamaya.

"Hehey! May war ata wooo!" Hindi ako natinag sa sigaw nang buset kong kaklase deretyo parin ang pag patay ko sa isip ko si monica.

"Hawakan monga sa tenga oh!" Rinig kong sambit nang kaklase ko pero wala akong kibo blangko at deretyong deretyo ang tingin ko kay monica kasalanan nya talaga lahat nang to!

Tumayo ako at nag babalak lumabas para hindi pumasok sa next subject at alam kong susunod sya saken at mabubugbog ko talaga sya pero epal ang mga kaklase ko dahil hindi ako pinalabas at nabulabog ang plano kong saktan si monica sa sobrang galit ko sa kaklase ko nabuntong iyon, kinuha koyung kamay nya na nakalahad habang patuloy parin akong sinusubukan.

Hinila koyon dahilan kung bakit napalapit saken ang lalaking kaklase ko at nang medyo lumapit na sya binaluktot ko ang braso nya dahilan kung bakit nakatabingi sya ngayon at hindi makakilos sa kinatatayuan nya at dahil hindi pako satisfied ay pati yung umaawat ay malakas kong naitutulak alam kong blangko ang ityura ko dahil yun yung gusto kong makita nila.

May biglang humawak nang mahigpit sa kamay ko kung saan hawak ko naman ang binabaluktot kong kamay nang kaklase ko, madiin yon at parang naparalisa ang kamay ko kaya nabitawan ko ang kaklase ko nang hahablutin ko ang may hawak saken mabilis nya akong kinaladkad yung tipong masusubsuob ako.

Nang nasa labas na kami medyo malayo sa room tumigil na sya sa pag hila saken, napatunganga ako sa ityura nya pero hindi iyon ang priority ko ngayon, hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sakanya yung gusto kong sabihin nang malaman ko ang katotohanan na may relasyon pala kami, nanguna saken ang inis at galit sa hindi ko malamang dahilan.

"What.. happen to you?" Blangko kosyang tinitigan habang inaayos ko ang nagulo kong uniporme.

"It's none of your business mister." At tumalikod na dahil palagay ko ay papasok na ang second subject namin nang bigla nya akong hitakin pero hindi ako nag patinag at umikot ako sa likod nya dahilan kung bakit kamay naman nya ang hawak ko.

"Why do you care? Huh? Listen carefully mister if you don't have care, don't you dare to come near me agian nor touch me cause..I'm not allowing you." Bulong ko sa tenga nya habang nasa likod nya parin ako at hawak ang kamay nya, tyaka ko sya binitawan at mabilis syang nilagpasan para makabalik nasa room.

Pag dating ko ni isa walang nag ingay ni hindi korin binigyang pansin ang mga kaibigan ko na hindi ko alam kung kaibigan ko parin ba hanggang ngayon at kung sinuswerte kanga naman nang lalabas nako ulit nang room ay saktong pag pasok ni monica, I knew it! Susunod at susunod sya mukhang mapapadali ang plano kong makaganti, kinuha kolang naman yung bag ko pero wala akong balak pang mag stay sa impyernong to.

Walang ano ano kosyang sinugod nang tatlong sunod sunod na sampal at isang malakas na tulak.

"Kulang payan." Blangko kong sambit kahit pa na anak sya nang taong malaki ang naitulong saken kapag kasalanan nya at galit na galit ako wala akong pakealam sa nararamdaman nang iba.

Pag labas ko ay isang mabilis na sulyap ang iginawad ko kay zyrille bago tuluyang mag lakad sa hallway at makauwi na.

Mag babayad sya..

••••••••••
Sana po nagustuhan nyo po ito, salamat sa innyooooooooooo!

At kung kulang papo ang labanan at mga action huwag po kayong mag alala gagawin kopo ang lahat para ma satisfy kayo hehehehehe!!❤️

IMPOSSIBLE: OFFICIAL #TEEN FICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon