080114

11 1 0
                                    

Agosto 1, 2014

Ang aga kong nagising. Pasado alas-tres lang ay mulat na ako. Nag-try akong pumikit uli pero bigo ako. Bumaling-baling lang ako. Kaya nang quarter to 5 na, bumangon na ako. Nagbabad na lang ako ng damit. Pagkatapos, nagkape at nag-internet. Nag-edit ako ng pictures at sinali ko sa Mobile Photography.

Past six, umalis na ako ng boarding house. Nag-almusal muna ako sa Chowking, bago pumunta sa Division Office para sa second day ng seminar-workshop. kailangan kong mag-almusal. Kailangan kong mahalin ang sarili ko dahil wala namang magsasabi sa akin na nagugutom ka, Froilan. Sarili ko lang.. Ang problema kasi sa akin, lagi akong walang ganang mag-almusal. Nakasananyan ko nang pumasok nang di kumakain. Kinakawawa ko ang sarili ko. Dapat mahalin ko dahil malaki ang epekto nito sa katawan ko.

Ang saya naming apat. Although, hindi nila masyadong gusto ang topic dahil school paper making, nakinig kami at nakisali sa workshop.

Andami ko ring natutunan. Andaming bago sa aking pandinig. Makakatulong ito ng malaki para sa  Tambuli.

Umalis ang tatlo ng maaga. Bukas wala pa sila. tapos, si Sir Erwin ibinibigay pa sa akin ang category niya. Hindi na nga ako magkandaugaga sa pag-train ng mga contestants ko, dagdagan pa ng isa. Di bale, kakayanin.

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon