092814

5 1 0
                                    

Setyembre 28, 2014

Nasusuka pa ako nang magising ako kanina. Mabuti di ko naisuka ang inalmusal ko. 

Alas-nuwebe, umalis na ako kina Jano. Wala siyang binigay na pera sa akin bilang kabayaran ng pinang-down niya sa L300. Pero, sinabihan ko siya na kailangan ko ng pang-reservation sa house and lot sa Cavite na titingnan ko maya-maya.

Dumaan muna ako kay Mama par kunin ang gamit ko. Andun si Flor at ang kanyang mag-ama. Binawi ko ang tablet ko at ibinalik ko sa kanya ang P1000 na ibinayad niya at ipinagawa sa unit.

Alas-diyes, umalis na ako sa Bautista. Alas-dose pasado ay nasa BBuendia na ako, para hintayin sana sina Sir Erwin, Pareng Joel at mareng Janelyn. May tripping kami sa Tanza, Cavite. Nagtext si Pareng Joel na 1:30 na lang daw. Kaya, pumunta muna ako kay Mare. Doon na kami nagkita-kita.

Pasado ala-una y medya ay bumiyahe na kami. Sakay kami ng L300.

Sa biyahe, nagpahula ako sa isang kasamahan namin na may tarot cards. Hindi niya nasagot ang tanong ko. Pero, nahulaan niya na mabait ako at masipag. Nahulaan din niya ang mga ibang accounts ng buhay ko, kaya nga tuwang-tuwang ang tatlo. Sabi pa ng cards ay may babaeng mayaman daw na nagkakagusto sa akin.

Nalungkot ako hula dahil parang walang kasagutan ang tanong ko, although, hindi ako naniniwala sa baraha, I still believe in God.

Mas nalungkot ako nang makita ko na ang mga units. Gusto ko kasing kumuha kaso, mahirap pala ang pangbayad sa equity. Di ko kaya, lalo na’t hindi naman ako binayaran ni Jano.

Parang gusto ko na lang tuloy bumili ng lupa sa Boso-Boso, gaya ng plano ni Jano. Iyon din ang payo niya sa akin. Mura na, mas magagawa ko pa ang style ng bahay na gusto ko.

Nakauwi ako ng bahay ng bandang alas-sais. Wala na si Epr.

Ayos, natuwa ako ay Eking kasi naglaba siya ng mga uniporme niya at ibang puting damit. Nakaramdam rin sa wakas.

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon