091214

10 1 0
                                    

Alas-singko ay gising na ako at bago mag-alas-siyete ay nasa school na ako. Sa canteen na ako nag-almusal. 

Investiture ng scouts ngayon. Tutulong ako as photographer. Ibinigay sa akin ni Mam Dang ang camera niya. Maya-maya, iniabot naman sa akin ang camera ng school. 

Nakakapagod ang gawain ko. Pero, enjoy naman ako. I really love capturing moments. I also like photography. 

Nahirapan lang ako sa camera ni Mam Dang. Long press kasi.

Dalawang events ang nangyari. Umaga ang pagtatalaga. Sa hapon, naganap ang Iskwatsayahan. Pareho silang magulong program. Mas napagod nga lang ako nung hapon na. Siguro dahil antok na antok na ako at init na init na.

Gayunpaman, nagawa ko ng maayos ang gawain ko. 

Nakauwi ako bandang pasado alas-singko. Sobra ang pagod at antok ko kaya natulog ako. Bumangon ako ng bandang alas-otso. Sarap sa pakiramdam. 

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon