090714

8 1 0
                                    

Setyembre 7, 2014

Napuyat ako sa paggising ni Eking ng madaling araw. Alam ko kung bakit siya umalis. Mag-a-alay-lakad siya. Kung pumirma ako kahapon sa memo, baka nagkasabay pa kaming umalis ng bahay. Kaso, di na ako sumama para makapaglaba ako.

Nagising ako bandang alas-siyete-kuwarenta y singko. Pagka-alamusal ko, nagbanlaw ako ng mga binabad. Pagkatapos, naglinis ako sa kuwarto. Iniba ko naman ang ayos. Gumanda at umaliwalas na naman ito. 

Ang hina ng signal ng internet, kaya konti lang a g nagawa ko sa Wattpad at blog. Sayang ang oras. Madami pa sanang akong ipo-post. Gayunpaman, naging produktibo ang araw ko ngayon. Di gaya ng kasama ko. Tumambay lang. 

Naka-chat at nakatext ko naman ang dati kong kaklase at kaibigan na si Carla Geoca. Hinahanap din niya si Marjs at iba naming kaklase. Pareho naming inisip na nagtatago si Marjs dahil hindi namin makita kahit sa friendlist ng friends niya, na friends ko naman sa FB. Bahala siya kung ayaw niyang magpakita.

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon