090614

10 1 0
                                    

Setyembre 6, 2014

Alas-sais y medya nasa school na ako. Nakapag-almusal pa ako. Akala ko ay walang papsok na estudyante ko, may onse pang pumasok. Ang sisipag. Gusto ko sanang mag-gardening.

Nagturo ako ng Math. Nagpa-quiz, pagkatapos. Tapos, nagpasulat ng talata tungkol sa guro. Then, nagpa-activity uli sa Math. Pina-write in words ko ang mga long numbers.

Habang ginagawa nila ang mga activities nila, nagbasa naman ako ng mga libro. Binaikan ko din ang mga journals ko. At nang makita ko ang mga tula na ginawang kanta ni Epr, pinost ko ang mga ito sa Wattpad, blog at sa Life of Pores ko.

Nagtext si Jano, bandang ala-una. May buyer na daw ng lupa namin sa Polot. Sa halagang P300K daw bibilhin. Nang malaman ko, si Liza Millario pala ang bibili. Mayaman na iyon, ah. Gasino na lang ang halaga nun sa kanya. Samantalang, P500K ang presyo ko niyon kay Divina Robelas. E, di sana, ibinigay na  lang sa presyong ganun kay Daba.

Sabi ko: (1) Mura. Kaya kong i-loan ‘yang halaga nay an. Bilis lang maubos nyan. (2) Nung  sabi ni Mama? Kanya  un eh. Kung anu dsisyon niya, dun ako. Akin lang, bka pgssihan ntin bndang huli. (3) Dagdagan nu. Gasino lng yan s knya. Half million n nga ang presyo ko ky divina.. Tapos bgla 300 nila mbbili.. E, di ky divina n lng ialok. (4)Hayaan mo na sila. Hwag nu ipkita o ipaalam n gipit tyo, kc lalo tyo ggipitin. Dpat mlaman nila na mhlga un s atin, d lng ntin maasikaso. Mdali lng maubos ang 300k, snsbi ko s inyo. Kulang p yn pmpgawa ng bhay. (5) Pg ispn nu. Mksanla p un ky p.benson. Pgttwanan tyo pgnbili nla s murang hlga. Gasino lng ky liza ung pera n yn. Tpos sya pa ang kuripot.

Padadagdagan na lang daw nila.

I’m sure, naliwanagan si jano. Pabigla-bigla na naman sila. Gusto lang nilang bumli ng lupa sa Boso-Boso. Sila lang din ang makikinabang. Paano si Mama? Isipin nila ang future. Pwede naming ibenta. Huwag lang sa ganung halaga.

Hindi agad ako umuwi pagkatpos ng klase. Nag-Wattpad pa ako habang nagpa-practice ng sayaw sa room ko ang mga dating kong pupils.

Pasado, alas-tres, naki-Bingo naman ako sa covered court. May pa-Bingo si congresswoman. Hmm..

Di naman ako nanalo. Alas-5:30 na natapos.

Nang nag-withdraw ako ng COLA ko na P1200, saka ko nalaman na nagpadala na si Aileen. Di naman nagtext. Pero, nagtext si Eking. Ni-remind pa ako ng P5000 niya.

Nag-grocery muna ako sa Shopwise. Na-miss ko tuloy si Zillion.

Pag-uwi ko, ibinigay ko kay Eking ang P5000 na para sa luho niya. Binigay ko na rin ang P5,375 para sa balance ng tuition niya. Gusto ko na sanang ibigay lahat ang tira. Siya na magbayad sa rent at bills. Kaso, naisip ko, hihiramin ko pala ang pera niya para sa pambayad ko sa RCBC.

Nang maglalaba na ako Nainis ako nang makita ko ang basang-basang damit niya sa lagayan ng mga labahan. Hindi man lang hinanger. Nakakabuwisit!

Kaya nang tumawag si Aileen at nang nagtanong siya, sinabi ko. Tinext ko din siya. Nagpasaring ako na ibabalik ko na sa kanila ang pangangalaga. Kinausap ako ni Kuya Jape. Payag naman siya. Naiinis din sa pamangkin niya.

Pagkatapos, tinext ko si Aileen. Nagdesisiyon na ako. Hanggang Oktubre na lang talaga kami magsasama. Pinasabi ko na kay Ate Ning.

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon