090814

8 1 0
                                    

Setyembre 8, 2014

Hindi ako pumasok ng maaga, hindi dahil naglaba ako, kundi dahil wala naman akong pagkakaabalahan sa school. Tapos na ang trainings ko sa journalism at broadcasting. Ready na rin naman ang lesson plans ko. Nag-internet lang ako.

Malas lang dahil walang signal ang Tattoo ko.

Tinatamad akong magturo, pero kailangan. Para kasing nawalan ako ng eagerness at inspirasyon mula nang one month akong nasa training. Kailangan ko itong maibalik. Kailangang kong maging enthusiastic uli sa pagtuturo. Apektado kasi ang mga pupils.

Although, nagturo ako maghapon, iba pa rin ang pakiramdam kapag gusto ko ang ginagawa ko. Kanina, parang hindi ko feel ang ginagawa ko. Mabuti na lang at well-understood naman ang lessons ko.

Pagkatapos ng klase, pumunta kami ni Sir Erwin kay Mam Diana. Absent siya kanina. Tinext lang kami na pumunta. May ipapasagot kasi siya sa akin. Ginawa ko kaagad pagdating namin at habang nagkakape. Pinag-dinner niya rin kami.

Gaya ng dati, nagtawanan at nagkuwentuhan uli kami. Sobrang nakakawala talaga ng stress.

Natuwa naman ako dahl di ako tinext ni Eking kung nasaan ako. Marahil ay alam na niya na kailangan na niyang magbukas ng de-lata para may maiulam siya. He’s learning..

Alas-nuwebe y medya na ako nakarating sa boarding house. Pagod pero, masaya ako.

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon