091014

12 1 0
                                    

Setyembre 10, 2014

Maaga akong nagising para maaga akong makarating sa school. Awarding kasi ngayon ng 35th DYWCC. Kaya, alas-7 ay nasa GES na ako. Pababa na rin ang mga journalists at ibang trainers.

Maaga rin kaming nakarating sa EDSES. Matagla kaming naghintay. Naging bitter tuloy ako sa administrator namin. Nag-flashback kasi sa akin ang pagiging unsupportive niya sa Buwan ng Wika at journalism.

Ang resulta, isa lang ang nanalo sa individual category. Umalis siya pagkatapos niyon. Hindi tuloy niya naabutan ang panalo ng West District Team o ng mga bata ko na sina Aila at Nicole.  Champion kasi kami sa Radio Broadcasting-Filipino at Collaborative Publishing-English.

Sobrang ligaya ko. Hindi ko akalaing mananalo kami. At least, mararanasan ko na uli ang regional level. Napatunayan din na ang Filipino broadcasters ng West ang tunay na champion. Sana tapos na ang issue, between us and East.

Naging kalmado ako pagdating namin sa school. Hindi ko nilagay sa ulo ang panalo ko. Gusto ko kasing lagi akong humble.

After class, nag-bonding uli ang 3some. This time, sumama na si Mamah. Ang saya-saya naming. Sayang lang kasi, umuwi agad siya. Gayunpaman, tinuloy naming ang tawanan at kulitan. Napatunayan naming nagiging kontrobersiyal ang samahan naming tatlo sa mga kasamahan at mga estudyante namin. Natutuwa ang mga bata naming. Ewan ko kung gayundin ang mga kasama namin.

Dumating na si Epr. Naabutan ko siya pagdating ko. Ayos!

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon