070714

14 1 0
                                    

Hulyo 7, 2014

          Maaga akong nakapasok. Nagbasa ako ng Wattpad stories ng ibang writers, habang naghihintay ako ng time.

          Wala si Mam Diana at Sir Rey kaya walang palitan. Nagturo lang ako sa advisory class ko kahit mag halong Section 3. Umalis din si Sir Erwin, bandang ala-una dahil may meeting.

          Nakaisip naman ako ng pampatahimik sa mga pupils ko. Pinagbabayad ko naman sila bawat grupo ng sampu kapag maingay. Ang maiipon namin ay gagamitin namin sa Christmas Party. Nakaipon kami ng P211 maghapon. Grabe! Gustong-gusto nilang mag-ingay para may party.

          Nagustuhan naman nila ang groupings nila ngayon at ang bagong seating arrangement, as well as the Pupils' Corner. Inspired ang iba na maging behave dahil may nilagay akong pangalan ng Most Behave doon.

          Nagpalitan kaming tatlo nina Sir Joel at Mam Nelly. Nakapag-Math ako sa Section Mercury.

          Nang dumating naman si Sir mula sa meeting, halos malapit na mag-uwian.

          Nang uwian na, tinawag ako ng principal. Gawa daw ako ng video presentation ng mga activities  mula March hanggang sa kahuli-hulihan, na ipapakita sa mga HPTA Officers bukas sa kanilang meeting. Alam kasi niya na may mga pictures ako. Tinanggap ko naman ng maluwag ang trabaho. Kaya, pag-uwi ko, ginawa ko agad. Matagal nga lang, kaya di ako agad nakapag-update sa Wattpad ko. Ginawa ko pa kasi ang Minutes of the Meeting ni Sir Erwin.

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon