101314

4 1 0
                                    

Oktubre 13, 2014

May collaborative publishing training kami JRES. Sinundo ko pa si Nicole kaya na-late kami ng kaunti. Mabuti at may mas late pa sa amin.

Habang nasa training ang mga bata, nakagawa ako ng test questionnaire sa Math. Ala-una, natapos ang training kaya di ko natapos. Pero, bago kami lumabas ng JRES, pumunta si Sir Erwin para makausap ako. Nagkaroon kami ng kaunting oras para makapagkuwentuhan.

Isinama ko si Nicole sa pagbili ng documentary stamps sa post office at sa pagkusa ng contribution list ko sa Pag-ibig. Matagal natawag ang number ko, pero mabilis lang akong nabigyan ng kailangan ko. Nakarating kami  sa school bandang alas-tres. Nakapagpasa pa ako ng mga papers ko sa promotion. Natawagan ko na rin ang RCBC hotline. Nalinawan na ako. Tapos, naipagpatuloy ko na ang paggawa ng test.

Pag-uwian, nagbayad ako ng bills ko. Almost 7k ang binayaran ko. Nalungkot ako kasi ganun pala kalaki ang utang ko. Halos maubos na ang pera ko. Nagalaw pa ang pera na galing kay Jano.

Pagdating ko, ginawa ko agad ang test questionaire ko sa Filipino. Andami kong dapat gawin. Naglaba pa ako. Naisantabi ko na nga ang Wattpad at blog.  Di bale, malapit na ang sembreak..

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon