073014-073114

13 1 0
                                    

Hulyo 30, 2014

Kahit hindi tuloy ang broadcasting training namin ngayon, pumasok pa rin ako nga maaga. Paano bang hindi? E, andami ko pa lang gagawin. Deadline na ngayon ng Language Mapping, Tagisan ng Talino at List ng Teachers na mag-ti-training for K-12 Grade IV.

Pagdating ko, hinarap ko kaagad. Nagawan ko pa nga ng tula si Mam Milo. Para daw sa lolo niyang namatay.

Natapos ko naman lahat, pati ang mga papers about Buwan ng Wika na papipirmahan ko sa prinsipal. Grabeng trabaho ng Filipino Coordinator.

Hindi ako nagturo. Nakipag-cocoodinate kasi ako sa mga Filipino teachers na binigyan ko ng papel sa Buwan ng Wika. Tapos, naghanap na rin ako ng contestants. Nag-train pa ako kay Alyssa. Kumuha din ako sa klase ko ng folk dnacers na tuturuan ko sa Linggo ng umaga para ipanlaban sa patimpalak sa pagsayaw

Pag-uwian, nag-practice namin kami ng sabayang pagbigkas. 

Hindi ako napagod. Naramdaman ko lang na namamayat ako ng husto. Natatakot na naman ako sa mukha ko. Unti-unti na namang bumababa ang kumpiyansa ko sa sarili ko. I think, kailangan ko ng inspirasyon...



Hulyo 31, 2014

Maaga pa lang ay gising na ako para sa unang araw ng training namin sa division office about collaborative writing and science and health reporting. Nagbanlaw muna ako ng binabad na damit.

Ako ang pinakaunang dumating sa DO sa aming apat nina Sir Erwin, Mam Diane at Mareng Lorie. Gayunpaman. di sila late.

Nine na nakapagsimula ang seminar-workshop. Kuwela ang speaker na si Ms. Josephine Bonson. Inspiring siya at witty. Marami kaming natutunan. Mahusay siyang resource speaker. Kaya naman, napili ang science feature ko bandang huli, although bigo naman ako na mapili ang science news ko na mapili as isa sa mga magagandang gawa. Nakatulong talaga siya sa pagkakaroon ko ng panibagong idea. Nagkaroon din ako ng info about journalism, because she's not jus a MT II. She's also a journalist and blogger. Someday, mahihingian ko siya ng mga payo at tips on how to grow professionally as journalist and as blogger.

She also accepted my friend request sa FB.

Alam Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon